^

Pang Movies

Moira sumugal sa ibang genre

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Moira sumugal sa ibang genre
Moira dela Torre

Nakakapanibagong marinig si Moira dela Torre na kumakanta ng English song sa bago nitong kanta na Knots kung saan ka-duet niya ang singer na si Nieman. Mula ito sa Tarsier Records.

Umalis si Moira sa kanyang comfort zone at sumugal sa pagkanta ng pop. Ibang-iba ang pagkanta niya rito dahil buhay na buhay ang musika, masaya at mabilis ang beat, kumpara sa mga nauna niyang kanta na mabagal at may nakakalungkot o nakakaantok na tono. Ganunpaman, hindi pa rin nawala ang tatak ni Moira na laging may hugot sa mga kinakanta.

Samantala, marami naman ang humanga sa kanya sa katatapos lang na ABS-CBN Ball dahil sa super classy niyang look. Para siyang si Elsa ng Disney movie na Frozen dahil sa mahabang kapa nito sa likod. Si Sam Milby ang nagsilbi niyang escort sa nasabing event.

Si Moira ay malapit nang ikasal sa fiancé niyang si Jason Marvin na kapwa rin niya singer at songwriter.

Excited na tuloy ang kanyang fans na makitang suot niya ang sariling wedding gown.

vuukle comment

MOIRA DELA TORRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with