^

Pang Movies

Bong apat na beses nang nag-birthday sa Selda

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Bong apat na beses nang nag-birthday sa Selda
Bong

Kaarawan kahapon, September 25 ng action star-producer at dating senador na si Bong Revilla and he’s celebrating his 52nd birthday sa loob ng detention cell ng Camp Crame sa ikaapat na taon. Tulad ng inaasam ng kanyang pamilya, mga kaanak, mga kaibigan, fans and supporters, patuloy pa ring umaasa ang mister ng actress at mayor ng Bacoor na si Lani Mercado na sana’y makalaya na siya. Hindi nawawalan ng pag-asa ang dating senador na muli niyang makakapiling ang kanyang pamilya laluna ang kanyang 91-year-old maysakit na ama, ang dating action star at senador na si Ramon Revillla, Sr.

 

Sa kabila na nasa loob ng kulungan si Bong, napaka-productive pa rin niya at marami siyang magagandang ideas na naisi-share niya sa kanyang pamilya, mga kaibigan at sa kanyang staff. 

Ideya ni Bong na muling buhayin ang kanilang family-owned film outfit, ang Imus Productions para makatulong sa mga unsung heroes ng industriya tulad ng mga production staff and crew, technical people at iba pang maliliit na workers. Siya rin ang nakaisip na pagsamahin ang tatlo niyang anak na lalaki (except for Ram na nag-aaral sa Amerika) sa isang pelikula, sina Bryan, Jolo at Luigi na siyang mga pangunahing bida sa action-packed trilogy movie na Tres na palabas na ngayong October 3 na magkatulong na pinamahalaan nina Richard Somes at Dondon Santos.

Sa kabila ng kanyang sitwasyon ngayon, nananatili pa ring strong ang pananampalataya sa Diyos ni Bong at positibo ang kanyang pananaw sa buhay. Naniniwala rin siya na may dahilan kung bakit pinagdadaanan niya at ng kanyang pamilya ang kanyang kalagayan ngayon. “There is always light at the end of the tunnel,” pahayag niya.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with