^

Pang Movies

Jak at Barbie, hindi nakapagsolo sa abroad

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Jak at Barbie, hindi nakapagsolo sa abroad
Jak Roberto at Barbie Forteza

‘Katuwa naman itong si Jak Roberto, ­Ateng Salve, nakasabay ko siya kahapon sa isang coffee shop sa Tomas Morato, Quezon City at hindi ko siya napansin, kaya lumapit siya at bumati sa akin.

Nagtsikahan nga muna kami sandali.

Kinumusta ko ang pagpunta nila ng girlfriend niyang si Barbie Forteza sa Hong Kong.

Naku, kasama nila roon ang kapatid niyang si Sanya Lopez na bida ng Wild & Free ng Regal Entertainment, pati ang tatay ni Barbie, si Daddy Tony, at ilan pang mga kaibigan (bale nine sila), kaya huwag kayong mag-isip na nagpaka-wild sila roon ng kanyang girlfriend dahil hindi naman sila free talaga at marami nga silang mga kasama.

And in fairness, mukhang puro pa-sweet lang naman sila ni Barbie dahil knowing naman his girlfriend, may pagka-conservative ‘yon, ‘noh?!

Sabi nga pala ni Jak, kaya sa Hong Kong daw nila naisipang pumunta ay dahil pare-pareho silang hindi pa nakapunta roon.

“Kapag may nag­ta­tanong nga at sinabi ko na first time pa lang namin na nag-Hong Kong, nagugulat sila. Pero talagang first time, eh. Ang saya nga kasi marami kami sa group,” sabi niya.

Ang nanay raw ni Barbie, si Mommy Amy, hindi na sumama sa kanila dahil tinatamad daw itong maglakad.

“Puro kasi lakad kami dahil pasyal lang kami nang pasyal,” sabi ni Jak na ngayon ay wala pang bagong series sa GMA 7, pero kasama naman daw siya sa Bubble Gang.

Nay Lolit nanguna sa pagdalaw sa birthday ni Bong

Birthday ngayon ni former Senator Bong Revilla.

Kahapon ay kasama ko si Manay Lolit Solis sa parlor ni Bambbi Fuentes at nagki-kill time siya dahil dadalaw nga raw siya kay Bong.

Siyempre, ang birthday wish ni Manay Lolit ay makalaya na si Bong, huh!

Nakakatuwa nga Ateng Salve na ka­hit mukhang hindi naman kakandidato sa next senatorial election si Bong ay med­yo mataas pa rin ang ranking niya sa survey, huh!

Anyway, ang pamilya ni Bong ang behind sa pelikulang Tres na iri-release ng Star Cine­ma at showing na sa October 3.

Ang mga kapatid ni Bong ang nagpapatakbo ngayon ng Imus Productions na sinimulan ng tatay nilang si Ramon Revilla.

Mananalo sa The Clash may show na agad

May malaking surprise raw sa finale night ng The Clash ng GMA 7.

Of course, hindi ang sinasabing pamamaalam ng host nilang si Regine Velasquez ang surprise sa finale night nila sa September 30, imposible naman kasing ‘yon ang i-highlight nila sa show, ‘noh?!

Anyway, ngayon ang pa-presscon ng Siyete para sa Top 6 ng nasabing singing competition show.

Makakasama raw sa Studio 7 musical variety show ng nasabing TV network na magpa-pilot tele­cast sa October 16 ang mananalo sa The Clash.

LT nag-boses anime na rin

Sa October 21 pa lang ipapalabas sa GMA 7 ang Barangay 143 na all-Filipino animé series at maraming mga sikat na artista ang nag-voicing, pero nabalitaan ko na may isang international event na silang sasalihin.

Magkakaroon daw ng announcement tungkol doon next week.

Parami raw nang parami ang big stars na napapasali sa cast ng Barangay 143 dahil pati si Lorna Tolentino ay kasali na roon bilang boses ng isa sa main characters.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

JAK ROBERTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with