^

Pang Movies

Carlo nagpaliwanag sa ‘pamamanhikan’ kay Angelica

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Carlo nagpaliwanag sa �pamamanhikan� kay Angelica
Carlo Aquino at Angelica Panganiban

Nilinaw ni Carlo Aquino ang napabalitang namanhikan na siya kay Angelica Panganiban dahil nga bumisita siya sa aktres na kasama ang kanyang mga magulang.

Ayon kay Carlo nang makatsikahan ng entertainment press sa opening ng 41st store ng Beautefy by Beautyderm sa Ali Mall last Sunday, dumalaw lang daw sila at hindi naman daw pamamanhikan iyon.

“Dumalaw lang kami. Kasi nagpasundo ako sa airport, eh kukuhanin ko nga ‘yung pusa ko, si Sinta, kasi nga siya (Angelica) ang nag-alaga ng ilang araw, eh para hindi ko na ihatid sina Mommy sa bahay tapos para bumalik ulit, dumaan na kami.

“Eh hindi pa rin nga kasi nakikita nina Mommy ‘yung bahay nina Angge (nickname ni Angelica), eh ang tagal na rin niya do’n, tapos parang magkapitbahay lang kami, ilang minutes away pero hindi pa niya nakikita,” paliwanag ni Carlo.

Pero aminado ang aktor na natuwa naman ang Mommy niya sa pagbabalik ng closeness nila ni Angge. Although aniya, kahit naman daw noong time na may girlfriend siya ay friends naman talaga sila ng dating GF.

“Never naman nawala ‘yung communication. Every once in a while, nagte-text ako sa kanya. Kinakamusta ko siya, ganu’n din naman siya sa akin,” aniya.

Ano naman ang comment niya ngayon sa kilig-kiligan nina Angelica at Zanjoe Marudo?

“Okay naman. Bagay naman sila, eh,” sagot ni Carlo.

Walang selos-selos?

“Wala namang masyado.”

Pero may tsika kasing hindi raw imposible na maging sila, ano ang masasabi niya?

“Eh di sila na! Sama ng loob!” natatawang sabi ni Carlo.

Pero seriously, ayon sa aktor ay wala namang balikan pang nagaganap sa kanila ni Angelica at hindi rin daw niya alam kung saan papunta ang closeness nila ngayon dahil hindi naman daw nila napag-uusapan.

But of course, hindi naman daw niya sinasara ang pinto if ever sa posibilidad ng reconciliation.

“Lalo na pag feelings, mahirap pigilan ang feelings,” sey pa niya.

Samantala, isa sa brand ambassadors ng Beautederm si Carlo along with Matt Evans, Sylvia Sanchez, Alma Concepcion at mag-asawang Glydel Mercado and Tonton Gu­tierrez na present lahat sa opening ng bagong store.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with