Mariel walang takot sa multo

Mariel

Isa si Mariel de Leon sa mga artistang kilala ko na mahilig sa horror movies. Hindi nga raw takot si Mariel na makakita ng multo, pero huwag lang daw white lady dahil masyadong creepy ‘yon.

Okey lang daw kung parang anino lang, hindi pa rin daw siya matatakot.

Ang pagiging mahiligin nga ni Mariel sa horror movies ang dahilan kung bakit sobrang nag-enjoy siya nang gawin ang Barbara Reimagined na remake ng Patayin Mo Sa Sindak Si Barbara na pinagbidahan noong araw ni Susan Roces at ni-remake rin ni Lorna Tolentino.

Kahit nga raw sobrang nakakatakot ang prosthe­tic na inilagay sa kanya dahil multo nga ang role niya, hindi raw siya natakot.

Ni hindi nga raw siya binangungot dahil doon.

“Okey lang. na-enjoy ko nga ‘yung shooting namin ni Nathalie (Hart) sa pelikulang ‘yon,” sabi ni Mariel.

Ipapalabas ang Barbara Reimagined sa mala-Netflix ng ABS-CBN.

Nabanggit nga pala ni Mariel na nanghihinayang siya at nakamatayan ng direktor nilang si Chris Castillo ang pelikulang ito na hindi pa naisu-showing.

“Pero noong na-hospital si Direk Chris, nakadalaw pa ako, pero ‘yon nga, wala na siya. Ang bait pa naman niya. Noong ginagawa namin ang Barbara Reimagined, very cool lang siya,” kuwento ni Mariel.

May pelikulang gagawin sa Regal Entertainment si Mariel, pero hindi pa raw ito ‘yung napapabalitang sexy movie na kukunan daw nila sa Malapascua.

Inaayos pa raw ang tungkol sa sexy movie na ‘yon na approved daw sa parents niyang sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Wala namang kinatatakutan ang parents ni Mariel sa pagpapa-sexy niya sa pelikula dahil mismong ang beauty queen turned actress pala ang nag-set na mismo ng limitations niya pagdating sa pagpapa-sexy.

Saka sabi naman ni Christopher mismo, Mariel is old enough na para malaman kung ano ang dapat at hindi niya dapat gawin sa kanyang mga proyekto!

Maraming artista nag-uunahan magpapayat

Naaliw ako sa isang actress/TV host na kausap ko kamakailan.

Tinatanong ko kasi siya kung ano ang latest, pero wala raw. Busy raw siya. “I need to lose 15 pounds,” sabi lang nito.

May bagong proyekto kasi si aktres kaya gusto niyang sexy talaga ang dating niya. Isa nga si actress/TV host sa mga artistang may “balik-alindog” program ngayon.

Sa rami ng nauusong diet ngayon, napakarami tuloy mga celebrity na ang gusto ay pumayat agad!

Aktres na may karelasyong dating politician, pakakasalan na?!

Very open na ang prime actress na ito sa relasyon nila ng isang dating politician na karelasyon niya ngayon, pero sa tuwing tinatanong ko siya kung kailan ba sila magpapakasal, ayaw niyang sumagot.

Hindi pa kasi nagpo-propose ang karelasyon ngayon ni aktres at ayaw naman daw niya na pangunahan ito at baka ma-pressure.

Pero marami ang nagsasabing mukhang pakakasalan na si aktres ng kanyang karelasyon very, very soon.

Sobrang in love rin kasi sa isa’t isa sina aktres at dating politician.

Kathniel hindi na muna paghihiwalayin?!

Ang bongga ng The Hows Of Us nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil more than 500 million na ang kinita ng pelikula at patuloy ‘yung pinipilahan sa mga sinehan na pinagpapalabasan huh!

Nangangahulugan lang ‘yon na sobrang lakas pa rin ng KathNiel love team.

So, meaning ba hindi na matutuloy ang unang tsika na paghihiwalayin na sila?

Well...

Show comments