Alden at Maine ginaya ang halikan nina Tito at Helen

Napakasaya sa Broadway Studio ng Eat Bulaga dahil sa pagsi-celebrate ng 71st birthday ni Senator Tito Sotto.  Last August 24 pa ang birthday ni Tito Sen, pero dahil may work siya sa Senado, being the Senate President, iniliban nila ang celebration last Saturday, September 1, at may very special guest siya, bukod sa kanyang pamilya, ay ang wife niyang si Ms. Helen Gamboa na ka-duet ng Broadway Boys.

Walang kupas si Helen na ipinakilala ni Bossing Vic Sotto as the “Dancing Queen of Philippine Cinema” at nag-iisang babae sa buhay ni Tito Sotto.

Tuwang-tuwa ang mga anak nina Tito at Helen na nanonood sa studio kasama ng Dabarkads. Kumanta si Helen na nakaupo sa sofa katabi si Tito Sen at sinundan ito ng last song niya ng “Let’s Dance”, kasabay ang pagsayaw niya at buong studio na ang sumayaw, sa pangunguna ni Bossing Vic, at mga guest friends nina Helen at Tito Sen. Tawanan nang twice na humalik sa lips ni Helen si Tito Sen kaya biro ni Joey de Leon, gusto raw gayahin ng AlDub, isang kiss naman sa cheek ang ibinigay ni Alden Richards kay Maine Mendoza, kaya napuno ng tilian ang buong BW studio, buhay na naman ang AlDub Nation.

Special Tatay ni Ken, huhusgahan na

Huhusgahan na simula ngayong hapon ang bagong advocaserye ng GMA Network, ang My Special Tatay na title roler si Ken Chan. Pero ang mapapanood muna ngayon ay pagpapakilala sa family ni Boyet (Ken). Makikilala kung sino ang tunay na ama ni Boyet, si Matt Evans ang batang Jestoni Alarcon, Empress Schuck as young Lilet, real mother of Boyet; Valeen Montenegro, as young Teresa Loyzaga; the stepmother of Boyet, at Ashley Rivera, ang batang Candy Pangilinan na pinsan ni Empress.

Si Boyet ay isinilang na may mild intellectual disability with mild autism spectrum disorder.  Kaya paano siya magkakaanak at maging isang tatay? Ayon kay Ken, talagang na-challenge siya sa bagong role na ibinigay sa kanya at pinag-aralan niyang mabuti ito, pasalamat din siya na mahilig siya sa mga bata, kaya tiyak daw hindi naman siya mahihirapang mag-alaga ng bata, lalo pa at naroon ang ka-love team na si Arra San Agustin na tulad niya ay mahilig din pala sa mga bata. Ang My Special Tatay ay under the direction of LA Madridejos at mapapanood mamaya pagkatapos ng The Stepdaughters.

Contessa babu na

Kung may magsisimula, may magtatapos naman this week sa GMA 7, dahil simula na mamaya ng grand finale week ng Contessa ni Glaiza de Castro. Malalaman na kung sino ang mananalo sa laban, ang grupo ni Contessa with Geoff Eigenmann at Jak Roberto, o ang grupo ni Chanda Romero, Lauren Young at Gabby Eigenmann.

Kahapon ay nag-promote pa si Glaiza ng kanilang top afternoon prime drama series sa Sunday PinaSaya pero hindi siya nag-preempt kung magdadanas ba ulit ng hirap si Contessa sa kamay ng mag-anak ni Charito Imperial (Chanda) or sila ang makakatikim ng paghihiganti ni Contessa?

Napapanood ang Contessa Mondays to Saturdays, after Eat Bulaga.

Show comments