Female celebrity, halimaw na ang lebel ng kamalditahan!

Hindi nakakapagtaka kung bakit bina-bash ang female celebrity na ito ng netizens sa social media. Matindi pala ang attitude problem nito.

 

Nirereklamo nga ang female celebrity na ito ng mga events organizer kapag ito ang nirerekomenda bilang host ng event dahil sobra ang pagkamaldita nito at feeling ang galing-galing niya.

Sey nga ng isang writer ng event na protocol sa kanila na kailangan i-brief ang host sa mga sasabihin nito. Kahit na may cue cards pa raw ito, may ilang reminders din ang writer sa kung ano ang puwede at hindi puwedeng i-adlib ng host. Iniisip din daw kasi nila ang magiging reaction ng audience.

Pero mukhang hindi raw nakikinig ang female celebrity at panay sabi ng “alam ko na ‘yan”.

Kaya noong minsan daw na sumalang na ito sa stage, parang walang buhay ito habang nagbabasa ng kanyang cue cards dahil hindi siya nakinig sa mga sinabi ng writer sa kanya.

“A**hole ang babaeng ‘yan. Akala mo magaling. Di nga niya ma-pronounce ng tama ‘yung name ng sponsored product namin. Nakakahiya tuloy sa mga kliyente. Masyado kasing nagmamarunong!” kuwento ng source namin.

Suplada pa raw ito in real life. Nakaranas daw ng pagsusungit ni female celebrity ang ilang fans na gustong magpa-selfie sa kanya.

“Hindi namin inakala na may pagka-monster pala ang bruhang ‘yan.

“Humihiling lang ang tatlong bata na maka-selfie siya dahil napapanood siya ng mga ito. Sungitan ba naman ang mga bagets?

“Sinabi ba naman niya, ‘Naku hindi! Istorbo kayo sa pinapakinggan kong music!’ sabay talikod.

“Nadismaya tuloy ang mga bagets dahil akala nila mabait ito.

“Kaya di kami magtataka kung bakit paborito siyang lait-laitin ng netizens. Santa maldita kasi!” pagtapos pa ng source namin.

Gabbi at Khalil manhid na sa bashers

Open na nga ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia at ang Kapamilya actor na si Khalil Ramos sa pagde-date nila kaya sa latest post ni Gabbi sa Twitter na magkasama sila, umani ito ng maraming positive at negative comments.

Pero dedma na sina Gabbi at Khalil sa mga hindi magagandang comments ng ilang netizens na hindi tanggap ang pagkakaroon nila ng relasyon ngayon.

Naging close ang dalawa nang idirek ni Khalil ang isang music video ni Gabbi. Simula no’n ay parati na silang nakikitang magkasama at iyon daw ang naging dahilan kung bakit nabuwag ang sana’y papasikat na loveteam niya kay Ruru Madrid.

Noong nakaraang August 22, pinost ni Gabbi ang photo na kasama niya si Khalil sa Twitter pero wala itong caption.

Balita pang may gagawin na indie film sina Gabbi at Khalil na may titulong LSS. The movie will be produced by Jessie Lasaten and Emman Dela Cruz.

Stan Lee nakakuha na ng restraining order

Nakakuha na ng restraining order for three years ang Marvel Comics creator na si Stan Lee para hindi siya malapitan na ng kanyang former business manager na si Keya Morgan.

Inutos ng Los Angeles Superior Court judge kay Morgan “to stay away from the Marvel Comics mogul and his family members, making permanent a previous temporary restraining order.”

Kasama rin sa naturang restraining order ang pag-imbestiga kay Morgan dahil sa pagnakaw nito ng pera kay Lee na umabot na ng millions.

Nakaranas ng elder abuse ang 95-year old na si Lee nang makialam si Morgan sa kanyang buhay noong sumakabilang-buhay ang asawa nitong si Joan na tumatayong manager at adviser niya.

Ikinatuwa naman ng lawyer ni Lee na si Jonathan Freund at ang pamilya ni Lee na wala nang manggugulo, magnanakaw o mangha-harass pa kay Lee.

Ilang buwan na ipinilit ni Morgan, na isang film producer, na siya ang mag-control ng business at assets ni Lee. Kinasuhan pa si Morgan for false emergency “for calling 911 when a social worker and detectives came to check on Lee.”

Ang anak ni Lee na si J.C. Lee ang siyang mag-aasikaso na ng business nito sa Marvel Cinematic Universe.

Show comments