Mother Lily markado ang kaarawan!

Mother Lily Monteverde

Nagbigay-pugay ang mga kilalang persona­lidad sa business, politics at showbiz kay Mother Lily Monteverdesa 80th birthday cele­bration niya sa Grand Ballroom ng Crowne Plaza Hotel nu’ng Linggo nang gabi. Umaapaw ang tao sa venue na tuwang-tuwa sa grand entrance ng Regal matriarch dahil may pasiklab siyang sayaw mula sa pintuan hanggang sa inilagay na stage.

Maraming bumilib sa paghataw ni Mother dahil at 80 eh nagawa pa niyang tumagal sa pagsayaw nang halos sampung minuto, huh! Tapos, pagkabihis eh ang sigla-sigla pa niyang umikot sa mga mesa ng bisita at magpa-picture nang non-stop!

Sa hanay ng mga bituin, nangunguna si Congresswoman Vilma Santos-Recto sa nagbigay ng mensahe. Sinundan siya ng Megastar na si Sharon Cuneta habang kinantahan naman siya ni Gary Valenciano at saka napaiyak.

Ilan sa namataan naming nakisaya sa kaarawan ni Mother ay ang ma-asawang Dingdong Dan­tes at Marian Rivera, Angel Locsin, AiAi delas Alas, Vice Ganda, Charo Santos, Ruffa Gutierrez and parents Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, Sushine Cruz, Lovi Poe, Joem Bascon, Barbie Forteza and boyfriend Jak Ro­ber­to, Derrick Monasterio, Sanya Lopez, Mariel de Leon at iba pa.

Present din si Manila Mayor Joseph Estrada at anak na si Senador Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian, Loren Legarda, Sonny Angara, Nikki Coseteng, Governor Imee Marcos and Mom, Imelda Marcos, Congressman Sonny Belmonte at iba pa.

Sa business, kinantahan siya ng kaibigang si George Yang at bumati rin sina Hanz Sy at Robina Gokongwei.

Kinabukasan tumawag si Mother sa amin upang sabihin kung gaano siya kasaya sa kanyang 80thbirthday.

Sen. JV nalilibot ang Pilipinas sa pagmo-motor

Hilig ni Senator JV Ejerci­to ang pagmo-motor at nagaga­mit niya ang hilig niyang ito sa pag­lilibot sa malalayong lugar ng bansa. Nakakasama niya sa biyahe niya ang ilang celebrities gaya nina Dingdong Dantes, Drew Arellano, Sam YG at kaibigan sa negosyo.

“Dahil sa motor, nalilibot ko ang malalayong lugar at nabibisita ang lugar na hindi napapasyalan ng ilang national officials. Nala­laman ko kung ano ang kailangan nila roon at biglaan ang punta ko roon nang sa gayon eh, aktuwal ‘yung sitwasyong nakikita ko,” pahayag ni Sen. JV nang makausap niya ang ilang entertainment press sa Annabel’s kahapon.

Eh, bata pa lang siya, hilig na niya ang pagsakay sa iba’t ibang uri ng transportasyon. Kaya naman bilang senador, gusto niyang mag-invest sa transportasyon ang bansa para na rin mabawasan ang traffic at maging magaan sa mamamayan ang biyahe sa probinsiya.

Ayon sa kanya sinimulan nang buhayin ang train system papuntang Norte at South. Gusto rin niyang ipa­tupad ang pagkakaroon ng dalawang airport runways at sa Clark ang rekomendasyon niya.

Nitong nakaraang problema sa ating airport dahil sa naba­lahaw na Xiamen Airlines plane sa runway, isa siya sa naging biktima dahil ‘yung flight niya from Davao ay hindi nakabalik ng Maynila kaya 20 hours siyang nagtiis sa kahihintay at natulog sa silya para palipasin ang gabi.

Show comments