Dingdong at Marian walang sawa sa pagpapasaya

Ang mag-asawang Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera ay laging nagbibigay ng saya sa mga tao, sa pamamagitan ng kanilang mga advocacies at ng mga teleseryeng ginagawa nila sa GMA Network. Kung last week, sa kanyang birthday ay pinasaya ni Marian ang mga batang may cleft palate sa pamamagitan ng operasyon mula sa #SmileTrain, si Dingdong naman sa pamamagitan ng infotainment show niyang Amazing Earth, ay nagpangiti ng isang fan niyang iniidolo siya.

 

Personal na nakausap ni Dingdong si Richard sa Kapuso Mo Jessica Soho, na hindi na makalakad o makakilos dahil sa kumplikasyong nakuha nito mula sa sugat sa paa ilang taon na ang nakalilipas. Pero hindi raw niya nami-miss panoorin ang kanyang idolo kahit sa anong programa nito. Kaya naman pangako ni Dingdong, magpagaling si Richard at igi-guest niya sa kanyang show para makita nito ang ginagawa niya. Kaya ngiting-ngiti lalo si Richard at nabuhayan ng loob na muling makita ang kanyang idolo na pinapanood niya every Sunday, bago ang 24 Oras Weekend.

Popsters sabit na sa Miss Granny ni Sarah 

Magaganda ang comments nang ipalabas na ang full trailer ng Miss Granny ni Popstar Princess Sarah Geronimo. Ito kasi ang Pinoy version ng Korean Drama of the same title, kasama ni Sarah sina James Reid at Xian Lim.

Matagal na kasing hinihintay ng mga Popster, mga fans ni Sarah, ang movie na dinirek ni Bb. Joyce Bernal nang ipalabas na ang first teaser pa lamang ng movie na co-production venture ng Viva Films at N2 Productions ni Neil Arce, na ipalalabas na simula sa August 22 in cinemas nationwide.

Ang huli pang movie na ginawa ni Sarah ay ang Finally Found Someone with John Lloyd Cruz na mukhang huli na rin nilang pagtatambal dahil nagpahinga na nga ata talaga sa showbiz ang favorite ka-love team ni Sarah?

Donita handa na ulit magmahal

Celebrity Chef na ang title ng actress na si Donita Rose, sa pagbabalik niya sa kanyang cooking show na Heart Mate Kitchen’s Season 2 Cooking Capsules na magsisimula na sa August 22 until October, 2018.

“I’m very excited nang malaman kong babalik ang show pero nabigla ako na ngayon na agad wala akong time na mag-prepare,” kuwento ni Donita sa mga entertainment press. “Mangiyak-ngiyak talaga ako, pero madali ko rin namang naihanda iyong 12 capsules na mga Filipino food, sa tulong ng Jolly Heart Mate Canola Oil. Makakasama ko rito ang mga favorite Kapuso stars like Camille Prats, Mikael Daez, Rocco Nacino, Jason Abalos, Julie Anne San Jose, Zoren Legaspi and Yasmien Kurdi. Ang mga recipes na ipakikita namin, ay madali lamang ihanda at iluto.”

Hindi na rin iniiwasan ni Donita na pag-usapan ang kanyang lovelife open na siyang pag-usapan ito dahil okey na sila ng former husband niya. Naka-move on na rin siya. Kaya sa tanong kung open na ba muli ang puso niya na umibig, “yes bukas na ang puso ko.”

Mapapanood ang Heart Mate Kitchen Season 2 produced by GMA 7 and Jolly Heart Mate Canola Oil, during commercial gaps of Unang Hirit and Wowowin during weekdays and in Sarap Diva and Kapuso Movie Festival during weekends.

Show comments