^

Pang Movies

Sharon and Goma movie, udlot na naman

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sharon and Goma movie, udlot na naman
Sharon at Richard

Matapos na mabalitang nagkaroon ng meeting para sa isang bagong pelikulang gagawin na ni Sharon Cuneta, mukhang bigla na naman yatang natahimik. Ano na nga ba ang nangyayari?

Kung ang inaasahan ay isang pakikipagtambalan kay Richard Gomez kagaya nang ipinakakalat ng iba, mukhang malabo iyan dahil malapit na ang Asian Games, at si Goma na presidente rin ng Philippine Fencing Associationang siyang itinalagang chief of mission ng Philippine Olympic Committee para sa Asian Games. Ibig sabihin, si mayor ang siyang mag-iintindi ng lahat ng kakailanganin ng  Philippine contingent sa games, at malaking trabaho iyan.

Si Sharon naman, mukhang busy rin sa kanyang inihahandang concert. Kaya siguro nga kung ang ambisyon ng mga fans ay mapanood siya sa isang pelikula, kailangang maghintay sila nang tamang panahon.

Pero siguro nga kailangang gumawa na ng pelikula ni Sharon. Kailangan ng Megastar ng isang pambawi. Alam naman nating na­ging isang box office disaster ang kanyang comeback na isa naman kasing indie film. Iyong kasunod naman niyang pelikula ay isang mild hit lamang. Ang consolation mo nga lang doon, hindi naman kagaya iyon ng ibang pelikula na kailangang maghakot ng audience, o bayaran na lang ang sinehan kahit walang nanonood kagaya ng nangyari sa iba.

Mga pelikula noon mas magaganda

Dalawang magkasunod na araw na nagigising kami nang alanganin sa oras. Noong una ang inabot namin sa telebisyon ay isang pelikula ni Cogie Domingo, kung saan siya ay namatay sa isang aksidente at naging multo. Hindi namin napansin ang pelikulang iyan noong araw, pero nang pinanonood na namin, maganda pala.

Noong sumunod na araw, ang nakagisnan naman namin ay pelikula nina Rossana Roces at Diether Ocampo. Tungkol naman iyon sa dalawang taong laging nasasabit sa mga krimen. Sa totoo lang, nagulat kami sa acting ni Rossana at Diether sa pelikulang iyon. Hindi ganoon ang acting nila sa ibang mga pelikulang napanood namin.

Ang tanong lang namin, bakit ba noong araw nakakagawa tayo ng ganyang magagandang pelikula? Bakit ngayon ay hindi na at nagtitiyaga tayo sa mga pelikulang walang kuwenta?

Direktor tanggap na naloko na naman

Tanggap na ni direk na minsan pa ay naisahan na naman siya ng kanyang bagets conquest. Matapos na mahingan ng hindi biru-birong pera, ini-snob na ng bagets si direk ngayon. Ganyan talaga ang buhay kasi ginusto rin naman niyang mangyari iyon. Kung siya ba naman ay nagpapakatino na rin tutal matanda na rin siya, di sana hindi nangyayari ang ganyan.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with