Aktor gusto nang magladlad!

Pagod na sa pagpapanggap

Balak daw Salve A. ng isang kilala namang gay from the start ang mag-all out na.

Obviously, pagod na siyang mag-pretend na he is ‘straight’, samantalang behind his back, alam na halos lahat ng kasamahan niya sa showbiz ang kanyang tunay na katauhan.

Siya ay talentado, dati siyang theater actor noong siya ay nag-aaral pa lamang at talagang nag-excelled siya sa pag-arte.

Lately, marami sa mga “power” behind the network ang nakakapunang puwede rin siyang director.

Kaya soon ay magiging direktor na nga siya sa isang TV show.

Well, good luck.

Julia nagseselos sa relasyon nina Coco at Yassi?!

Nagseselos na nga ba si Julia Montes sa napapabalitang secret girlfriend ni Coco Martin? Kakaiba na kasi ang closeness na namamagitan kina Coco at asawa niya sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Yassi Pressman.

Minsan lang naming narinig na nagmahal si Yassi, ito ay sa isang fellow Kapuso raw niya na si Sef Cadayona noong nasa GMA 7 pa siya.

Well, ngayon, si Sef ay linked kay Maine Mendoza.

Samantala, si Julia naman, ang alam namin ay si Coco ang kanyang first love at first boyfriend.

Philip mapapanood sa PPP

Nakakatuwa namang malaman na balik na sa pag-arte si Philip Salvador. Kasama niya sina Gina Alajar at Felix Roco sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 entry, Madilim Ang Gabi.

Pinangungunahan ni Chairperson Liza Diño ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang proyektong PPP.

Napapanahon daw ang theme ng nasabing movie ayon sa direktor nito na si Adolf Alix Jr., isa raw ito marahil sa dahilan kung bakit tinanggap agad ni Philip ang project.

Ginagampanan nina Philip at Gina ang role ng mag-asawang may isang anak (Felix) na na-involved sa drug war at biglaang naglaho.

Close si Philip kay Presidente Duterte na may matinding layunin na makalaya ang Pilipinas sa kahit anong uri ng droga.

Matagal-tagal na ring ‘di napapanood mapa-big man o small screen si Phillip. Noong kapanahunan niya, isa siyang in-demand na action star.

Sue gustong tularan si Boots pagtanda

Ang pelikulang Ang Babaeng Allergic Sa Wifi na dinirek ni Jun Lana mula sa produksyon ng Idea First Company na isa ring entry sa PPP ay binubuo rin ng mga bigating artista, isa na rito ay si Boots Anson-Roa na humahanga sa galing ng pag-arte ni Sue Ramirez na gumaganap bilang bida ng nasabing pelikula.

Professional daw ito at napakahusay.

Kasama rin ni Sue dito sina Markus Paterson at Jameson Blake.

Samantala, isa raw learning experience ang makatrabaho si Boots ayon kay Sue. Wish niya na sana, pag umabot siya sa edad ni Boots ay nasa showbiz pa rin siya tulad nito.

May isa pang pelikula si Boots na ipapalabas na ngayong August 8, ang Dito Lang Ako nina Michelle Vito at Jon Lucas.

Si Boots ay isa rin sa mga head ng Mowelfund o mas kilala bilang SSS (Social Security System) ng mga members ng Pelikulang Pilipino.

Show comments