^

Pang Movies

Sarah kinakaya ang pagiging independent

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sarah kinakaya ang pagiging independent
Sarah Geronimo

Hindi naman itinatago ni Matteo Gui­dicelli na happy siya talaga sa kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo, lalo na nga ngayon na nakapamumuhay na iyon independently. Noong araw kasi, talagang hindi rin makakilos si Sarah nang hindi papayag ang mga magulang niya. Pero ngayon naman ka­sing trenta na siya, may karapatan na naman siyang mag-desisyon para sa sarili niya.

Sinasabi ngang siguro tama lamang naman na hayaan si Sarah na magkaroon ng panahon para sa sarili niya, dahil ang buong panahon naman niya noon ay naukol na sa paghahanda para sa kinabukasan ng kanilang pamilya.

For the first time, nakapagbakasyon naman sa trabaho si Sarah, at ang panahon namang iyon ay iniukol niya sa kanyang boyfriend na si Matteo.

Jericho at Jaycee pakakasal na

Pakakasalan na pala ni Jericho Aguas, na dating asawa ng yumaong si Isabel Granada ang kanyang long time girlfriend, ang dating Viva Hot babes na si Jaycee Parker. Dati ring singer si Jericho, na ang ginamit na pangalan noong araw ay Geryk Genaskey.

Nagpakasal sina Isabel at Geryk noong 2002 pero nagkahiwalay din. Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki, si Hubert.

Matapos na magkahiwalay ay pinakasalan naman ni Isabel si Arnel Cowley noong 2015. Hindi na sila nagkaroon ng anak. Namatay naman si Isabel matapos ang isang concert sa abroad noong 2017.

Ngayon naman, sina Geryk at Jaycee ay magpapakasal sa August 19, para gawin nang legal ang kanilang relasyon. Ilang panahon na rin naman silang nagsasama.

Kung iisipin, tama lamang namang pakasal na sila. Wala namang sagabal sa kanilang pagpapakasal. Isa pa, matagal na rin naman ang kanilang relasyon kaya more or less sigurado na silang maaari na nga silang magkasundo habang buhay. Tahimik na rin naman ang buhay nila dahil si Geryk ay nagnenegosyo na lang at si Jaycee, tumigil na rin sa pagiging isang artista. Kaya nga maaari na nilang sabihin na ang kanilang buhay sa ngayon ay pribado na.

Napansin din namin, walang involved na taga-showbiz sa kasal nilang dalawa. Siguro nga iniwasan na nila ang ganoon para nga maging matahimik na ang lahat. Ang malaking personality lamang ay ang isa sa mga ninong, si Police General Bato dela Rosa.

Rich businessman nabuking na ang plano ng aktres na mahilig sa pera

Nabuko ng rich man ang isang female star na “bilmoko girl”. Ilang panahon na rin naman daw na puro “bilmoko” ang ginagawa ng female star sa rich businessman. Pero siyempre, nakahalata na rin ang negosyante na puro nga ganun na lang. Walang sabi-sabi, basta tinalikuran na lang niya si bilmoko girl, ang masakit marami palang utang ang female star at ang inaasahan niyang magbabayad ay ang rich papa. Eh nakahalata na, ayaw na sa kanya.

At ‘yun ang problema ni bilmoko girl ngayon. Kung hindi na nga niya mauuto ang rich businessman sa kanyang mga paasa at hindi na siya balikan, mahihirapan siyang magbayad ng kanyang mga utang dahil wala naman siya halos project ngayon. Medyo kasi malamig na rin ang kanyang popularidad, at alam naman ninyo rito sa atin, kung hindi ka na sikat huwag ka nang umasa.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with