Kambal nina Aga at Charlene ipantatapat sa kambal nina Zoren at Carmina?!

Opisyal nang bahagi ng Kapuso Network ang kambal na sina Mavy at Cassy Le­gaspi, anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel. Pumirma na ang dalawa kahapon at ima-manage sila ng GMA Artist Center at ang father nilang si Zoren.

Sa pahayag ni Cassy, nakadama siya ng nerbiyos nu’ng simula. Pero saad niya pagkatapos, “I realized that this is actually very, very exciting,” say ng teenager sa interview ng GMA Network.com.

Para naman kay Mavy, itinuturing na nilang second home ang GMA dahil nu’ng bata-bata pa sila, sa network nila madalas pasyalan ang mga magulang.

“So right now, I’m just really excited to get thing started and see where things go. At the end of the day it feels like home talaga, it really does. So it’s like we’re going back home,” saad naman ni Mavy.

Para kay Cassy, gusto munang light roles lang muna ang gawin niya. Swak din siya sa comedy dahil hyper siya’t madaldal. Light dramas at rom-com naman ang tipelya ni Mavy.

Ngayong nas Kapuso Network na ang sikat na kambal nina Zoren at Mina, aba, ikontrata na rin ng kalabang network ang kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na star material din, huh!

Bading na nabigong tikman ang baguhang aktor, kapatid na lang ang pinatos

Bigo ang isang bading na matikman ang isang baguhang aktor kaya naman sa kapatid nito siya napunta na pumasok din sa showbiz.

Affordable naman daw ang bayad sa bradir ng aktor nu’ng una. Pero nu’ng subukang mag-take two ng bading, aba, humingi na ito ng dagdag na bayad, huh!

Eh isang bading na malapit din sa kapatid ng ­unang aktor ang nainggit. Kaya ang ginawa niya kinausap niya ang pahadang aktor na close din naman sila kaya patikim din daw siya ng ‘hotdog’ niya.

Nagpaubaya naman ang aktor sa hiling ng close friend pero may bayad siyempre lalo na’t hindi pa umaarangkada ang kanyang career, huh!

Show comments