^

Pang Movies

Dion inilantad na ang anak sa flight attendant

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ayaw nang itago ng Kapuso hunk na si Dion Ignacio ang kanyang pagiging isang ama. Inamin ng aktor sa media launch ng GMA 7 telefantasya na Victor Magtanggol na meron na siyang one-year old daughter niya sa kanyang long-time girlfriend.

Nag-birthday nga raw noong nakaraang June 20 ang kanyang baby girl na ang pangalan ay Dylann Jailee.

“Okey na para aminin ko kasi hindi naman na tayo bata.

“I’m already 32-years old at right time na para magkaroon ako ng pamilya.

“Before, parating tanong sa akin kung kelan ako mag-aasawa? Ngayon, heto may anak na ako pero hindi pa kami kasal. Pinag-iipunan pa namin iyon,” kuwento pa ni Dion.

Two years ago lang daw noong magkabalikan si Dion at ang kanyang ex-girlfriend na hindi niya nakita at nakausap for 8 years. Dahil sa social media, doon daw ulit sila nagkausap at eventually, nagkabalikan sila.

“Girlfriend ko siya since I was 20 years old. Kaso, nag-work siya as a flight attendant. Nag-break kami at nawalan na lang kami ng communication na tumagal ng walong taon.

“Nagkaroon na ako ng ibang girlfriends pero siyempre, naiisip ko pa rin siya. Until makita ko ang account niya sa Instagram, doon na ulit kami nag-usap at nagkita.

“Ngayon may baby na kami at magkasama kami sa iisang bahay sa Cavite.

“Proud akong daddy kaya heto nilalabas ko ang totoo. Tsaka, halos lahat sa Starstruck batch namin, may mga anak na. Kaya masaya kapag nag-reunion kami, dala-dala namin ang mga babies namin,” pagtatapos pa ni Dion Ignacio.

Janine nailing nang magpakita ng hubog ng katawan

Ang sexy lang ni Janine Gutierrez noong humarap ito sa media para sa launch ng te­leserye na Victor Magtanggol.

Hubog na hubog ang katawan ni Janine sa suot nitong see-through dress na may flesh-colored lining. May illusion tuloy na parang walang suot sa loob ang aktres.

“I thought na masyadong daring itong dress for the media launch. Pero everyone was saying na I should wear it.

“Para kasing first time kong magsuot ng ganito. Naisip ko, kung nagbi-bikini shoot nga ako, eh ‘yun mas exposed ang katawan ko. So, I took the risk at okey naman pala. I’m happy wearing this,” ngiti pa niya.

Ninenerbyos din at the same time si Janine dahil malaking proyekto ang Victor Magtanggol at leading lady siya for the first time ni Pambansang Bae Alden Richards.

Iniisip din kasi ni Janine ang reaction ng AlDub fans sa pagtambal niya kay Alden.

“Kinabahan po talaga ako, pero at the same time honored po ako na ako ‘yung inalok ng ganitong klaseng role sa ganitong kalaking project. So ‘yun po talaga ‘yung nanaig.

“Siyempre naisip ko po ‘yung mga fans nila Alden at Maine Mendoza. Ayoko talaga may masaktan or may magalit. Or maraming ma-dissapoint, sobrang kinabahan din po talaga ako.

“Ramdam na ramdam ko ‘yung suporta ng mga supporters ng GMA, mga Kapuso Brigade, mga tagahanga ni Alden na talagang napakabait sa akin. So sobrang thankful ako, thankful na thankful po ako talaga ngayon,” pagtatapos pa ni Janine Gutierrez.

DION IGNACIO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with