Dating sexy actress na sumuway sa manager masaya sa napiling buhay

Natatandaan n’yo pa ba ang isang ultra sexy actress na nakilala noon dahil sa kanyang kakinisan at galing sa pag-arte kaya in-demand siya dati? Yes, ito ay noong late 90’s at nasa edad siya noon na early 20’s.

Nagkaroon din siya ng pagkakataon noon na maging co-host sa isang TV show at talagang magaling siya.

Sa kabila ng kanyang mga napagtagumpayan, nagkaroon siya ng ‘sakit’ na madalas ‘dumapo’ sa mga artista, mapa-lalaki man o babae. Ang paglaki ng ulo.

Nagkadisgustuhan kasi sila ng kanyang talent manager noon dahil nakagawa siya ng isang bagay na ‘di dapat dahil masisira ang career niya.

Akalain mo ba namang nagpakasal siya sa isang tao na di mo aakalaing papatulan niya, considering na maraming lalaki ang nagkandarapa sa kanya para mapasagot siya. Yung iba naman ay pinatulan niya, pero yung iba ay pinagtawanan lang niya.

Well, kamakailan lang ay may nakakita raw sa kanya. Halos ‘di na siya makilala. Ibang-iba na raw ang hitsura niya ngayon, ‘di tulad dati noong sikat pa siya.

Nang makausap siya ng aming source, sinabi niyang wala namang dapat ipag-alala dahil masaya raw siya.

Sabagay Salve A., may kanya-kanya tayong konsepto when it comes to what makes us happy.

Jairus nawala nang makipag-split kay Sharlene

May kinalaman kaya sa hiwalayan nila ng dating ka-love team at eventually girlfriend na si Sharlene San Pedro kung bakit ‘di na active tulad ng dati si Jairus Aquino sa showbiz?

Silang dalawa ni Sharlene ay parehong nag-umpisa ng acting career sa murang edad. Pareho rin naman nilang sinigurado na tatapusin nila ang kanilang pag-aaral.

Si Jairus ay nag-aaral sa Meridian College, habang si Sharlene naman ay sa San Pedro College in Bulacan.

Pareho rin silang nasa MYX bilang VJ (video jockey) pero pati pala iyon ay iniwan na rin ni Jairus.

Pareho rin sila ng birth month at birth year, si Jairus ay April 1 at si Sharlene naman ay April 5, 1999.

Zanjoe namimili pa kung sino kina Bela at Josie ang idi-date?!

Sino kaya ang dadalhin ni Zanjoe Marudo bilang date sa premiere night ng pelikula nila ni Empoy Marquez na Kusina Kings ngayon sa Megamall Cinema 11?

Si Bela Padilla kaya na sinasabi niyang best friend niya? O ang kilalang teenage model, surfer at vlogger na si Josie Prendergast?

Wala pa sa mga taga-showbiz ang nakakakilala kay Josie nang husto, ma­ging si Bela.

Sina Bela at Zanjoe ay gumanap bilang mga magulang ng child actress na si Heart Ramos sa dati nilang seryeng My Dear Heart.

Inakala ng lahat na may mabubuo sa pagitan nila dahil sobrang close nila at pareho pa silang loveless.

Nang mga panahon na iyon, dalawang taon nang hiwalay si Zanjoe kay Bea Alonzo, na nagkataong malaki rin ang pagkakahawig kay Bela.

Si Bela naman ay kabi-break lang din sa kanyang film producer cum businessman na boyfriend noon na si Neil Arce, na ngayon ay boyfriend na ni Angel Locsin.

Ganunpaman, kagabi ay ipinahayag ni Bela sa programa ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice (GGV) na magkaibigan pa rin sila ni Zanjoe. ‘di naman ito pinaniwalaan nina Vice at Kim Chiu.

Si Kim naman ay kuntento na sa piling ni Xian Lim.

Samantala, ang Kusina Kings ay mula sa direksyon ni Victor Villanueva and produced by Star Cinema. Kasama nina Zanjoe at Empoy sina Nathalie Hart at Maxine Medina bilang kanilang leading lady.

Sayang at ‘di nakarating ng presscon si Maxine. Tiyak na puputaktihin siya ng mga tanong tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang boyfriend na si Marx Topacio.

Happy Birthday to Cristy Fermin, kilalang radio host and tabloid columnist who turns a year older today.

Also, many happy returns of the day to Popstar Queen Sarah Geronimo who will turn exactly 30 years old bukas, July 25. (Happy happy birthday po tita Cristy and Sarah. - Salve A.)

Show comments