^

Pang Movies

Kaya ‘di halatang tumatanda, Alice umaming nagpagalaw ng mukha

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kaya �di halatang tumatanda, Alice umaming nagpagalaw ng mukha
Alice Dixson

Golden girl na si Alice Dixson sa susunod na taon pero hindi mahahalata sa itsura niya ang kanyang edad dahil bagets-looking pa rin siya.

Mismong si Alice ang nagsasabi na hindi naman siya perfect dahil may flaws din sa kanyang mukha at katawan pero sa tulong ni Dra. Vicki Belo, maintained na maintained niya ang beauty na kinaiinggitan ng mga kababaihan.

Hindi inililihim ni Alice na fan siya ng Belo Ulthera Plus dahil pinasisikip nito ang kanyang balat kaya nawawala ang wrinkles at laugh lines niya.

“Ulthera lifted and tightened my skin and everyone notices it. They thought it was my make-up but I told them it was Ulthera.

“It’s been about a month now since my treatment and it really improved the fullness and glow of my face,” ang pralala ni Alice na naniniwala na sa panahon ngayon, hindi na imposible na i-delay ang pagtanda ng itsura ng mga tao at siya ang living example.

“Set your beauty goals. It’s your skin. It’s your body. Take care of it the way you want it,” ang advise ni Alice sa lahat, babae man o lalake, para ma-delay ang pagtanda.

Ito naman ang sagot ni Vicki sa mga nagtatanong tungkol sa Belo Ulthera Plus procedure.

“Belo Ulthera Plus is a customizable anti-aging treatment program that successfully addresses problems of skin laxity, lack of skin glow and overall tired appearance. It combines the proven tightening and lifting effect of Ulthera with other Belo treatments such as Belo Vita, Skin Reboot, etc.”

Young actress pressured magpapayat takot maging jobless

Naloka ang staff ng isang programa nang mag-guest sa show nila ang menor de edad na aktres.

Binigyan ng pagkain ng production staff ang young actress pero tumanggi ito dahil hindi raw siya kumakain.

“Strict diet” ang pralala ng young actress na ikinawindang ng staff dahil sobrang bata pa niya para maging conscious sa hugis ng kanyang katawan.

Awa ang na-feel ng staff sa young actress. Sa murang edad, may pressure sa kanya na magpapayat dahil sa threat na hindi siya mabibigyan ng mga project sa TV at pelikula kapag nadagdagan ang timbang niya.

Bakit hindi i-try ng mga magulang ng bagets na sila ang magtrabaho para maging normal ang buhay ng kanilang anak na breadwinner ng pamilya?

Imbes na mag-aral sa school at magkaroon ng normal childhood, obligado ang pobreng bagets na kumayod para may makain ang mga kamag-anak niya na mas malalaki sa kanya ang katawan pero siya ang inaasahan.

Amy excited na sa pag-ere ng bagong serye

Happy si Amy Austria dahil malapit na ang airing ng bagong teleserye niya sa ABS-CBN, ang Halik. Parang si Alice Dixson din si Amy dahil nagawa rin nito na i-delay ang pagtanda ng itsura niya.

Iisa ang mga sinasabi ng mga tao kapag nakikita nila si Amy sa personal, mas maganda siya ngayon at hindi tumatanda.

Matagal nang nagte-taping si Amy para sa mga eksena niya sa Halik na mapapanood na sa Kapa­milya Network simula sa August 13.

Ang Halik ang ipapalit ng ABS-CBN sa Since I Found You na matatapos sa August 10.

Co-stars ni Amy sa Halik sina Sam Milby, Jericho Rosales, Yam Concepcion at Yen Santos.

Dolor Bartolome ang name ng karakter ni Amy sa Halik at anak niya sa teleserye si Jericho. Parehong mga award-winning actor sina Amy at Jericho kaya kaabang-abang ang mga eksena nila sa Halik.

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with