^

Pang Movies

Rocco binura ang bantang pananampal kay Jolo!

Nitz Miralles - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Deleted na ang tweet ni Rocco Nacino na “Bola muna bago droga...sarap sampalin” bilang reaction sa blooper ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla. Ang “sarap sampalin” ang reaction ni Rocco na agad dinelete at sinundan ng tweet na nagso-sorry siya.

“Mali na mag-comment ng ganon, pasensya na at ako’y humihingi ng tawad sa mga nagalit. It just really made my day! At the end of the day, tao nga lang talaga tayo lahat nagkakamali hehe.”

Kaya lang, marami na ang nakabasa sa tweet ni Rocco at ‘yun na nga, may mga netizens na nakain­tindi at pinatawad siya, pero may mga nam-bash pa rin sa kanya. May mga nag-isip pa nga na baka bitter pa rin si Rocco dahil ang ex-GF niyang si Lovi Poe ay unang naging GF ni Jolo.

Wala pang reaction si Jolo sa tweet ni Rocco na “sarap sampalin” at ang paghingi nito ng sorry. Hintayin natin ang magiging reaction nito.

Miguel nasakal, Bianca OA sa pagiging selosa

Kumpirmadong break na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali after four years relationship na hindi nila inamin sa press people, kahit nakikitang nagpi-PDA sila. Pagkatapos daw ng GMA Anniversary Thanksgiving Party naghiwalay ang dalawa.

Sa party, nakipagrakrakan pa si Bianca kay Kyline Alcantara na itinuturong isa sa mga pinagseselosan nito. Pero ang narinig namin, hindi lang si Kyline ang pinagseselosan ng aktres, marami sila at ang sobrang pagiging selosa nga raw nito ang dahilan kung bakit nakipag-break sa kanya si Miguel. Nakakasakal na raw kasi si Bianca.

Kung hindi na magkakabalikan sina Miguel at Bianca, hindi na nila magagamit ang ticket to Japan na birthday gift ni Miguel kay Bianca. Sa nabuking na four years relationship nina Miguel at Bianca, kung 18 years old si Bianca ngayon, malinaw na 14 o 15 years old pa lang siya, mag-BF/GF na sila ni Miguel. Pareho silang nagsinungaling ‘pag sinasabing hinihingi ni Miguel ang permiso ng lola ni Bianca para ligawan ang aktres dahil sila na pala that time.

Mabuti na lang at patapos na ang Kambal Karibal na sa August 3 na ang final episode. Mag-away at magdeadmahan man sina Bianca at Miguel, hindi na maaapektuhan ang taping ng teleserye. Ang Sunday Pinasaya na lang ang magkakaproblema sakaling ayaw ng magka-love team na makatrabaho.

Anak nina John Lloyd at Ellen ‘di pa talaga nabibinyagan

Ang balita na Elias Modesto ang napiling ipangalan nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa baby boy nila. Hindi pa raw nabibinyagan ang baby mula nang isilang noong June 27, kaya may rason si John Lloyd na magalit at tawaging fake news ang nasulat na habang nasa ospital pa, bininyagan na ang baby nila.

Siguro, bago bumalik at bago dalhin sa Manila nina John Lloyd at Ellen ang baby nila magaganap ang binyagan sa Cebu.

Magulang ni Paul nakisawsaw na rin sa gulo nila ni Barbie

Lumalaki na ang isyung dumaan sa physical abuse si Barbie Imperial kay Paul Salas na obviously, ex-boyfriend na nito dahil they unfollowed each other sa Instagram (IG).

After mag-post si Barbie ng photos niya na may mga pasa, sugat, namumula ang leeg na dala diumano ng physical abuse na hindi naman pinangalanan kung sino ang may gawa, nag-post sa IG ang ama ni Paul.

Post ni Jim Salas sa IG: “Don’t play the viction to circumstances you created.” Sinundan ito ng Twitter post ng mom ni Paul na dahil mahaba, nag-quote na lang kami ng ilang parts.

“Hi Barbie ano nangyayari bakit ganyan post mo? Si Paul iisipin ng tao nyan alam mo naman di magawa ni Paul yan at kung gaano ka kamahal ni Paul ikaw una nag-ayaw at nakipaghiwalay. Ginawa na lahat ni Paul intindihin ka alam mo yan. Wag ganun parehas kayo artista si Paul masisira nakakalungkot mga nangyayari may pinagsamahan kayo, tayo Barbie. Walang nagbago kayo lang naman ni Paul ang may problema, ‘di tayo. Thank you, ingat ka pray and mga sinabi ko sayo ha.”

Ang ending, pati ang parents ni Paul, naba-bash at pati rin naman si Barbie binubweltahan ng fans ni Paul.                                        

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with