Yeng may hugot song na bago

Yeng

May hugot na kanta na naman si Yeng Constantino na pinagpipiyestahan sa radio, ito ang Tahimik na release ng Star Music. Dedicated ang nasabing single sa mga taong martyr kung magmahal at perfect daw sa one-sided love.

Iba talaga kapag si Yeng ang sumulat ng kanta na tipong hinehehele ka at may kirot na nararamdaman dahil tagos sa puso.

Ang galing ng lyrics na malalim at meaningful. Bale ba ang mensahe ng pop rock singer sa kanyang  single na kahit masakit  na ay tatahimik na lang at mamahalin pa rin ang tao sa nakakaiyak na atake ng hagod ng boses ni Yeng.

Tuwang-tuwa ang Yengsters sa madamdaming music at lyrics nito.  Nagsisilbing boses si Yeng ng mga indibidwal na nagmamahal at nasasaktan.

Bongga ang single ng singer na lyrics pa lang ay kuwento na agad na puwedeng gawing theme song ng isang teleserye.

Show comments