Aktor na matagal pinarusahan, magkaka-show na uli
Nitz Miralles (Pang-masa) - July 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mukhang unti-unti nang naaayos ang problema ng isang aktor sa kanyang home network dahil may bago na siyang project. Matagal siyang hindi nagkaroon ng show sa network kung saan siya nakakontrata ngayon dahil sa problema na ayaw i-elaborate ng source.

Ang sinabi lang nito dahil sa problemang ‘yun, ilang shows na dapat kasama ang aktor ang hindi natutuloy dahil may humaharang dito. Dapat kasama ang aktor sa big project ng network, pero napalitan siya at ang nakakagulat pa, ang ipinalit sa kanya ay dating contract star ng network na lumipat sa ibang istasyon, pero freelancer na ngayon.

Ang magandang balita, sa isang bagong soap ng network, kasama na sa cast ang aktor, wala nang humarang na mabigyan siya ng bagong project.

Dahil dito, hindi kami magtataka kung sunud-sunod na naman ang teleserye ng aktor na in fairness, kahit pamilyado na ay kinakikiligan pa rin.

Kris pinakilala ang abogado kay Bimby

Ang Team Gideon ang nanalo sa pustahan ng supporters ni Kris Aquino kung sino kina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Atty. Gideon Peña ang escort ni Kris sa premiere night ng I Love You, Hater na ginanap last Tuesday sa SM Megamall.

Nahati sa Team Herbert at Team Gideon ang supporters ni Kris at sa gabi ng premiere night, panalo ang Team Gideon dahil ang lawyer na nagtanggol kay Kris kay PCOO Usec Mocha Uson ang kanyang kasama.

Nasa premiere night din si Bimby, nauna siyang dumating kay Kris sa SM Megamall dahil may photoshoot pa si Kris bago ang premiere night. Hindi kami sure kung first time magkita nina Bimby at Atty. Gideon.

Kahapon and this Thursday, may pa-block screenings ang brand partner ni Kris, may seven block screening na ng Star Cinema movie at tiyak na madadagdagan pa.

Brandon pinagsigawan ang pagiging Pinoy

Pumapalag si Brandon Vera kapag sinasabing Amerikano siya, twice naming narinig sa kanya na “dual citizen ako” at “dito na ako nakatira (sa Pilipinas). May bahay kami rito ng wife ko. This is home now, I can visit the States, pero babalik ako rito,” sabi ni Brandon na marunong mag-Tagalog.

Narinig namin ‘yun sa send-off presscon ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa six movies to be featured sa New York Asian Film Festival, kung saan magwu-world premiere ang Buy Bust na kabilang si Brandon sa cast.

Narinig din namin ang sagot na ‘yun ni Brandon sa presscon ng Viva Films at R­eality Entertainment movie na showing dito simula sa August 1. Very proud and honored si Brandon na mapasama sa cast sa sinasabi niyang biggest action film this year. World-class daw ang movie nila sa trailer pa lang at tiniyak na magugulat ang foreign audience na makakapanood nito.

Wish ni Brandon na ang mga susunod niyang pelikula ay kasing ganda ng Buy Bust, kasing husay ni Direk Erik ang director at same working condition.

Andrea ganado kay Alden

Nakasabay sa eroplano nina Iza Calzado at fiancé nitong si Ben Wintle sa flight nila palabas ng bansa sina Coney Reyes at Janine Gutierrez na sumunod kay Alden Richards para sa taping ng Victor Magtanggol.

Naunang lumipad last Sunday si Alden Richards at sumunod last Tuesday sina Coney at Janine.

Si Coney ang gaganap na ina ni Alden sa Victor Magtanggol at si Janine ay ang TV reporter n si Gwen Regalado, isang field reporter na susubayba­yan ang buhay at pakikipaglaban ni Victor (Alden).

In-announce na rin na isa pa sa leading lady ni Alden sa Victor Magtanggol si Andrea Torres bilang ang diwatang si Sif. May costume si Andrea rito at blonde ang buhok, kaya pala sa BTS ng taping, sa ekseang nasa mundo siya ng mga tao, nakabalot ang ulo nito para hindi makita ang blonde hair.

Sabi ni Andrea patungkol kay Alden: “Actually, kitang-kita mo talaga na nag-mature na siya ‘yung ganu’n. At saka magaling siyang lider ‘yun lagi kong sinasabi, ang galing niyang lider kasi nadadala niya kami lahat.”

Nabanggit pa ni Andrea na excited silang mag-report sa taping, lahat sila ganado, inspired at excited dahil maganda at masaya ang set. Namamayani ang teamwork sa buong cast, crew at staff.

Ilang araw na lang at presscon na ng Victor Magtanggol. Matupad kaya ang wish ng press people na dumating si Alden sa presscon na naka-costume?

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with