^

Pang Movies

Coco at Vic hindi pa napapa-oo si Maine

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Coco at Vic hindi pa napapa-oo si Maine
Vic & Maine

Did we hear it right Salve A., kasalukuyang kinakausap daw ng mga emissaries ng production nina Vic Sotto at Coco Martin si Maine Mendoza para gumanap bilang leading lady nila sa first Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry nila, ang action-comedy nilang Popoy En Jack, The Puliscredibles kung saan silang dalawa ang co-producers.

Pagmamay-ari ni Vic ang M-Zet Productions at co-producer din siya sa APT Entertainment, habang si Coco naman ay pagmamay-ari ang CCM Films.

Samantala, sinabi ni Coco na hindi siya ang magdidirek ng kanilang gagawing pelikula.

Ang mga artista nga raw pala na gustong mapabilang pa sa serye niyang FPJ’s Ang Probinsyano ay nakakasigurong may pagkakataon pa sila dahil extended pa nga ang nasabing palabas hanggang February 2019.

Dalawa na nga sa napasama rito kamakailan lang ay ang komedyanang si Whitney Tyson at former singer na si Eva Vivar.

Zanjoe at Maja may ibang ginagawa

May isa pa palang pelikulang ginagawa si Zanjoe Marudo bukod sa pelikula niyang Kusina Kings under Star Ci­nema with Empoy Marquez, ito ang To Love Somebody nila ni Maja Salvador na gumaganap bilang kanyang leading lady.

Bali-balita ngayong nakahanap na siya ng kapalit sa wakas sa ex-girlfriend niya ng tatlong taon na si Bea Alonzo.

Narinig namin na mas bata sa kanya ng ilang taon ang rumored girlfriend ng binata at isa itong modelo.

Samantala, si Bea naman ay tikom pa rin ang bibig tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Gerald Anderson.

Pops at Zsa Zsa excited nang maging lola

Handa na nga bang ma­ging mother-in-law at ma­ging lola ang Concert Queen na si Pops Fernandez?

Well, mukhang ang sagot ay oo, dahil okay lang daw sa kanya kung ang panganay niyang si Robin Nievera ay magpakasal na anytime soon sa anak ni Zsa Zsa Padilla na si Zia Quizon.

Si Zsa Zsa nga raw ay naiinip nang magka-apo, hindi pa rin daw kasi siya binibigyan ng apo ng kanyang anak na si Karylle na nauna nang nagpakasal kay Yael Yuzon for three years now.

O, hayan, ha, baka maging Lola na si Zsa Zsa, dahil kay Zia na ang tatay ay si Dolphy.

Samantala, parang homecoming ang nangyari sa Concert King na si Martin Nievera sa katatapos lang niyang performance kasama ang cast ng ASAP Live sa Honolulu, Hawaii. Lumaki kasi si Martin sa nasabing lugar kaya meron daw talaga siyang soft spot para doon.

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with