Andi at Jake nangangamoy balikan

Andi Eigenmann

MANILA, Philippines — Jose Emilio Ejercito ang real name ang ex-boyfriend ng actress na si Andi Eigenmann na si Jake Ejercito, ama ng kanyang 6-year-old daughter na si Ellie. Emilio Arambulo naman ang pangalan ng recent ex-boyfriend ng aktres.

Kamakailan lamang ay inamin ni Andi na hiwalay na rin sila ni Emilio (Arambulo) ending their more than two years romance.

Since loveless pa rin hanggang ngayon si Jake, mukhang may posibilidad na muling magkabalikan sila ni Andi.  At kapag ito’y nangyari, walang ibang magiging pinakamasaya kundi ang anak nilang si Ellie who divides her time sa kanyang separated parents.

Ayon kay Andi, mutual umano ang naging hiwalayan nila ni Emilio at nananatili silang magkaibigan kahit hiwalay na sila. There are even times na lumalabas pa rin sila bilang magkaibigan at tumatawag pa rin umano si Emilio kay Ellie.

Si Andi ay nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency (VAA) at kasalukuyang palabas ang latest movie niyang Maid in London.

Yael at Erwan pinu-push ang mga misis na maging negosyante

Mahigit apat na taon nang mag-asawa sina Karylle at Yael Yuzon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibiyayaan ng anak ang celebrity couple.

Kung ang ina ni Karylle na si Zsa Zsa Padilla ang masusunod, gustung-gusto na nitong magkaroon ng apo sa kanyang panganay na anak.

Samantala, may iba’t ibang investments si Karylle at kasama na rito ang bagong bukas na KTV bar, ang Rockstar KTV Bar sa Bonifacio Global City kung saan ang isa sa mga co-hosts niya sa It’s Showtime na si Anne Curtis ang kanyang business partner na suportado ng kanilang respective husbands na sina Yael Yuzon at Erwan Heussaff.

Star-studded ang naging opening ng Rockstar KTV Bar last Tuesday evening na dinaluhan nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Teddy Corpus, Dra. Vicki Belo and husband Dr. Hayden Kho, Tim Yap at iba pang celebrities.

Happy Birthday…

Belated birthday greetings sa aking kapatid na si Meriam Amoyo last July 2.

Show comments