^

Pang Movies

Marian at Dingdong pinakilig ang mga Ilonggo

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian at Dingdong pinakilig ang mga Ilonggo
Dingdong Dantes

Priceless ang hatid na saya at kilig nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga Ilong­go na dinayo nila sa Iloilo City nitong nakaraang weekend.

Lambingan at harutan sa stage ang mag-asawa habang kumakanta kaya naman mangiyak-ngiyak ang fans nilang dumagsa sa venue.

Very accommodating pa ang mag-asawa sa fans na nais magkaroon ng picture sa kanila.

Bihira kasing magsama sina Dong at Yan sa isang stage kaya buhay na buhay ang dugo ng DongYan fans sa kaswitan ng kanilang mga idolo, huh! Hindi rin pakitang tao ang lambingan nila kaya mahal na mahal sila ng fans nila.

Nagpasalamat si Dong sa kanyang Instagram sa pamamagitan ng isang picture na nasa background ang maraming tao habang magkalapat ang labi nila ni Yan, huh!

Inggit tuloy si Benjamin Alves na nagkomento ng, “@myjaps Uyyyy puwede bang gayahin to? Haha @dongdantes @marianrivera.” Emoticons naman ang naging reaksyon ni @myjaps a.k.a. Julie Anne San Jose.

Samantala, sa magkahiwalay na lugar, nasa Iloilo rin si Alden Richards at isa sa pinasaya niyang fan ay si Lola Fabiola Panaderes na personal pa niyang pinuntahan sa isang bahay.

Bago maging Miss U Pia matagal nang adik sa K-Pop

Super fan girl pala si Pia Wurtzbach ni Choi Siwon na member ng K-Pop group na Super Junior.

Finally, nagkaroon na si Pia ng picture kasama si Choi na nasa bansa kamakailan para isang concert.

“Finally! A true fan girl moment for me! @siwonchoi @SS7Manila,” caption ni Pia sa pic nila ng idolo.

Bago pa man naging Miss Universe, super fan ni si Pia ng K-Pop singer-actor. Napanood siya bansa sa GMA Heart of Asia Korean drama na Pretty Woman.

Sheryl tatakbong konsehal ng Tondo?!

Spotted si Sheryl Cruz sa induction ng bagong-elect na Barangay Chairman at Kagawad sa buong Maynila last Saturday sa PICC.

Present si Manila Mayor Joseph Estrada bilang inducting officer. Hindi naman daw naging maramot si She sa request ng public officials na magkaroon ng picture na kasama siya.

Dahil hindi naman siya nag-perform sa induction, umugong tuloy ang tsismis na tatakbo si Sheryl bilang konsehal sa isang distrito sa Tondo. Pero wala pang kumpirmasyon ang singer-actress sa chikang ito.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with