Alden nagiging superhero sa costume!

Sa paglabas pa lang ng costume ni Alden Richards para sa kanyang upcoming drama-fantasy-adventure series na Victor Magtanggol, lumikha na agad ito ng samut-saring reaksyon. May mga nagandahan at mayroon namang hindi pero so far, sa mga nababasa naming komento, mas marami ang positive reviews.

“Some may hate the costume but I don’t care. I think it’s great and Alden looks hot in it,” ang komento ng isang fan.

May nagkomento rin na maihahalintulad daw ang costume ni Alden sa Hollywood superheroes.

Katakut-takot din ang comment na ang hot-hot ni Alden sa costume at tuwang-tuwa na superhero ang role ng aktor.

“Huhuhu grabe ang ganda ng costume ng Victor Magtanggol bagay na bagay kay Alden. Lalong pomogi ang ating bida. Victor Magtanggol tagapagtanggol ng naaapi tagapagligtas nating lahat,” komento pa ng isang fan.

Ang dami ring comments na sila makapaghintay sa airing ng serye.

Kung pagbabasehan ang mga good reviews, ngayon pa lang ay hinuhulaan nang maghi-hit ang bagong seryeng ito ni Alden.

Adrift nagpakita ng kapangyarihan ng pag-ibig

Ipinagmamalaking ihandog ng Viva International Pictures ang Hollywood movie na Adrift. Hango sa libro at tunay na kwento ni Tami Oldham Ashcraft, ito ay nagpapakita ng katatagan ng loob at kapangyarihan ng pag-ibig.

Sina Tami Oldham at Richard Sharp ay magkasintahang naglalayag sa dagat nang biglang makasalubong nila ang Hurricane Raymond, isa sa pinakamapinsalang bagyo na naitala sa kasaysayan ng mundo.

Kung paano sila naka-survive, ito ang mapapanood sa pelikulang pinagbibidahan nina Shailene Woodley (The Fault in our Stars/Divergent) bilang Tami at Sam Claflin (Me Before You/The Hunger Games) bilang Richard.

For the movie, dalawang linggong nag-ensayo sina Woodley at Claflin sa Fiji bago ang simula ng produksyon.

Palabas na ang Adrift sa mga sinehan ngayon.

 

Show comments