Joshua hirap sa ginawang pagbe-beki

Joshua Garcia

“Iba talaga magmahal ang isang Joshua Garcia,” ang deretsahang pahayag ni Julia Barretto sa presscon ng I Love You Hater.

Napakarami raw qualities na gusto niya kay Joshua. Unang-una na nga ay ang pagiging sobrang maalaga raw nito sa kanya.

“I feel that he takes good care of me really, really well. He’s protective, very, very protective. I think all that he is is enough for me. I think, there’s nothing more I could ask,” sey ni Julia.

Pero kapag tinanong mo kung sila na, hindi na sila halos makasagot. Kahit na nga ang co-star nilang si Kris Aquino na ang nagtanong mismo kay Joshua kung girlfriend na ba nito si Julia, hindi pa rin napa­amin ang young actor at aniya, sa tamang panahon na lang daw.

Anyway, ginagampanan ni Joshua ang role na nagpapanggap na bading sa I Love You Hater at ayon sa young actor, struggle raw talaga sa kanya ang pagganap na beki.

“Lalaki ka, eh na nagpapanggap na beki, sobrang hirap. Tapos ‘yung emosyon pa, hindi siya pataas lahat. Bababa, tataas, bababa. So, bago sa akin, kaya sobrang hirap.

“Syempre, ginabayan lang talaga ako ni direk (Giselle Andres) at nung mga make-up artist namin sa set. Tinutulungan nila ako,” sey ni Joshua.

Samantala, showing na ang I Love You Hater sa July 11 under Star Cinema.

Valerie graduate na rin

Umani ng katakut-takot na pagbati at paghanga si Valerie Concepcion sa kanyang Facebook post kung saan ay makikitang naka-graduate na siya sa ko­l­ehiyo.

Ipinost ni Valerie ang larawan niya na nakatoga at sa caption, mababasang nagtapos siya ng Bachelor of Arts in Pyschology sa Arellano University.

“Finally. Bachelor of Arts in Psychology Batch 2018 Arellano University

“P.S.: I want to thank my loved ones who supported me and pushed/inspired me to finish my studies. I also want to thank my professors, classmates and the eteeap program of #ArellanoUniversity for helping me make my dream of finishing college come true. I am so so so happy to finally have a degree. ALL GLORY TO GOD!” ang caption ni Valerie.

Bihira nga ang nakakaalam na nag-aaral si Val nitong mga nakaraang taon na hindi siya gaanong aktibo sa showbiz. At bumilib naman kami nang husto sa kanya na talagang pinilit niyang makatapos kahit na nga ba busy siya as a mother and as an actress.

Matatandaang hindi natapos ni Val ang pag-aaral niya dahil nabuntis siya at a very young age at maagang nagkaroon ng responsilibidad.

Sa ngayon ay 13 years old na ang anak niyang si Heather Fiona at para nga lang silang magkapatid.

Show comments