^

Pang Movies

Maine may sariling album

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maine may sariling album
Maine Mendoza

Naglabas si Ms. Kathleen Go ng Universal Records ng picture niya na may katabing girl na nakatalikod at pinahuhulaan niya kung sino siya. Pero hindi na kailangang pahulaan, among the AlDub Nation, fans nina Maine Mendoza at Alden Richards, alam na nilang si Maine iyon. Kahit anong anggulo yata, kahit nakatalikod hindi na siya maikakaila sa kanyang mga fans.

Isa pa, buksan mo lamang ang Facebook page ng Universal Records Ph., naroon na ang mga write-ups tungkol kay Maine sa recording company. Kaya namang tuwang-tuwa ang mga fans dahil matagal na raw nilang gustung-gustong magkaroon din ng album si Maine. 

Si Maine kasi ang pinagawa ng APT Entertainment, Inc. ng lyrics ng theme song ng first solo movie together nila ni Alden, ang Imagine You & Me, na ang music ay kay Vic Sotto naman.

Jerald level up na ang career

Feeling leading man na raw siya, biro ni Jerald Napoles sa second presscon niya for the day last Tuesday, June 19.

Nauna ang presscon nila ng leading lady niyang si Valeen Montenegro para sa movie nilang The Write Moment na magkakaroon na ng theatrical run, produced by IdeaFirst Company at Viva Entertainment.

Pocket interview naman ang ibinigay sa kanya ng Triple A Management.

Masaya raw siya na binigyan sila muli ng pagkakataon na mapanood ang The Write Moment na ipinalabas noon sa Quezon City Film Festival.

Sa movie, si Jerald ay si Dave, a professional wedding videographer na sideline ay ang pagiging movie scriptwriter. Girlfriend niya si Valeen as Joyce, na bigla na lamang nakipag-break sa kanya na hindi niya alam ang dahilan. Hindi niya matanggap iyon, kaya nagsulat siya ng movie script na siya iyon na happy ending para sa kanilang dalawa ni Joyce. Pero kailangan palang sundin niya ang script niya para maging totoo na sila nga ang dapat sa isa’t isa.  Ang daming hugot lines sa movie na tiyak na magugustuhan ng mga manonood. Sa direksyon ni Dominic Lim, showing na sila sa Wednesday, June 27, in cinemas nationwide. May premiere night sila sa Monday, June 25, sa Robinson’s Galleria.

“Sa palagay ko po, sa The Write Moment, nabuksan ang doors sa akin, na pwede pala akong maging leading man,” say ni Jerald. “Pero very thankful po ako na in-accept nila ako na from drama, sa theater, nagpapatawa ako at kita po ito sa Sunday PinaSaya May gagawin din akong three movies, ang Nakalimutan Kong Kalimutan Ka, Pangarap Kong Holdu” at Mina Anod. Sa August po ay mapapanood na rin ako sa Rak of Aegis sa PETA, sa third year na ng presentation nito.”

Hindi totoo ang kanila ni Valeen, kulitan daw lamang nila iyon sa Sunday PinaSaya. Kinalimutan muna ni Jerald ang lovelife niya, mas gusto niyang mabigyan muna ng ipinangakong magandang buhay ang kanyang pamilya.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with