^

Pang Movies

Nadine kinakabahan sa pagsosolo!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Nadine kinakabahan sa pagsosolo!
Nadine Lustre

Sinimulan nang ikasa ng Viva Entertainment ang pagiging solo artist ni Nadine Lustre matapos ang announcement nito ng pagggawa ni James Reid ng Pedro Penduko minus Nadine.

Ginanap kahapon ang story conference ng movie ni Nadine na ang title ay Ulan. Ang box-office director ng Sid & Aya(Not A Love Story) ang naatasang magdirek ng launching film ni Nads minus James.

Nakakatuwa ang fans ni Nadine dahil maaga pa lang ay pina-trending na nila sa Twitter an hashtag na #ULANStoryConference na as of this writing ay may 53.&K tweets, second sa hashtag na #ALDUBWeWillBeHere na nasa top spot na may 151K tweets.

May blow by blow account ang fans ng Multi-Media Princess sa kaganapan sa storycon mula sa suot ng idolo pati na ang pag-amin ni Nadine na kinakabahan siya sa pagsosolo niya. Sa tweets pa ng fans, kasama rin sa cast sina Xian LimMarco Gumabao at AJ Muhlach.

Kahit wala si James, suportado ng fans ni Nadine ang solo film lalo na’t malapit sa puso ng young actress ang tema nito tungkol sa self-love.

Teka, ano na ang nangyari sa napabalitang unang solo movie ni Nads na The Nurse na si Jun Lana ang director? Shelved na ba ‘yon, S.A.?

Jerald pangarap magkaroon ng production outfit

Maraming isinakripisyo ang komedyanteng si Jerald Napoles para sa kanyang pamilya. Bukod sa pangarap na ipagpatayo ng bahay ang ina, gusto rin niyang dalhin ito sa abroad.

Para sa sarili naman, gusto pa niyang kumita nang mas malaki dahil panarap din niyang magkaroon ng sariling production outfit.

“Siyempre, kasama na rin ‘yung pagkakaroon ng anak at pamilya. Pero para sa akin ang priority ko ay self-improvement. Passion ko talaga ang umarte,” pahayag ni Jerald sa pocket interview para sa coming movie niyang The Write Moment with Valeen Montenegro.

Aware siya sa kumpetisyon sa showbiz at sa comparison.

“Naapektuhan na rin ako ng kumpe­tisyon. There are projects that should be mine pero napupunta sa iba. Nu’ng una, damdam ko kasi bago tapos after nun, nag-reflect ako. Hindi, marami pang ganyan. Pag hindi matibay ang loob mo, hindi ka dapat dito!” rason ni Je.

Sa coming movie, level up na si Jerald bilang leading man. Malaking tulong na si Valeen ang kapareha niya dahil magkaibigan na sila kaya ‘yung love scenes nila eh hindi na sila nagkailangan.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with