Dingdong Dantes
Dingdong takot sa daga!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - June 15, 2018 - 12:00am

Si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, tulad din ng kanyang bagong show sa GMA 7, ang infotainment program na Amazing Earth, may three amazing things din pala sa buhay niya, nang matanong siya sa presscon ng show.

“Mabuti po na three amazing things ang tanong ninyo, kasi mahihirapan akong sagutin kung dalawa lamang,” sagot ni Dingdong. “Si Marian (Rivera), si Zia at ang pag-aalaga at pagmamahal sa akin ng parents ko, konektado silang lahat. Kasi kung hindi ako inalagaan at ginabayan ng magulang ko, hindi ako mapapasok dito, hindi ko makikilala si Marian at hindi kami magkakaroon ng Baby Zia. Araw-araw may mga amazing things na nangyayari sa amin ni Marian dahil kay Zia.”

Inamin ni Dingdong na sa Saturday ay aalis na silang mag-anak papuntang Palawan para sa Father’s Day celebration. Hindi raw nila malilimutan iyon ni Marian dahil doon nila ginawa ang Dyesebel at marami silang memories doon kaya gusto nilang balik-balikan. Biro tuloy kay Dingdong, doon ba nila bubuuin ang susunod na kapatid ni Zia, “sana raw.”

Sa Linggo na rin mapapanood ang pilot episode ng Amazing Earth at 6:10PM, after ng 24 Oras Weekend. Bukod sa pagpi-feature ni Dingdong ng mga scenes ng Planet Earth II from the British Broadcasting Company (BBC), una niyang ipakikita naman ang mga ginawa niya sa Verde Islands sa Batangas. Ang kaibigang si Rico Gutierrez ang nagdidirek ng Amazing Earth.

Dahil unang ipi-feature ni Dingdong ang mga hayup sa iba’t ibang lugar ng mundo, natanong siya kung may kinatatakutan ba siyang hayop.

“Daga, ayaw ko sa daga, kaya kapag may ganito sa show, pass muna ako, kahit mahal na mahal ko ang GMA, hindi ko talaga gagawin iyon.”

Regine, Julie Anne at Christian may kakaibang gagawin sa Dubai

Umalis na kahapon sina Regine Velasquez-Alcasid, Julie Anne San Jose at Christian Bautista para sa concert nilang 3 Stars 1 Heart na magaganap tomorrow sa Dubai World Trade Centre.  Produced ito ng GMA Pinoy TV with their partner carrier OSN.

Ayon kay Christian, may mga idinagdag silang songs sa repertoire nila sa first two concerts nila sa Cebu at Dagupan City. Ikinuwento naman ni Regine na magkakaroon sila ng bagong segment sa show na advanced na silang pumili ng seven lucky winners na nag-request ng songs na kakantahin nilang tatlo kasama sila on stage.

Si Raul Mitra ang musical director ng show at stage director naman si Paolo Valenciano. Magkakaroon sila ng meet and greet with the fans after ng concert.

Sunshine babawiin na ang anak

Pumasok na last Wednesday evening ang character ni Sunshine Dizon sa Kambal Karibal at mabait siya, mapagmahal sa mga bata, kaya ang hinihintay ng mga netizens, kung sino ang anak na aangkinin niya. Kilala niyang ang nawalang anak ay Cheska ang pangalan, pero dalawa ang Cheska, si Cheska na ang kaluluwa sa katawan niya ay si Crisel, o ang totoong Cheska na grabe ang sama ng character? After iyan ng The Cure sa GMA 7.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with