Alempoy tinatapatan ng EmMoi

Empoy at Moi

Ang lakas ng impact ng role ni Piolo Pascual sa teleserye nitong Since I Found You na kahit saan siya magpunta ay bossing Nathan na rin ang tawag sa kanya ng mga taghanga.

Wala pa ring kupas si Papa P sa acting na talagang pinangangatawan ang kanyang pagiging astig na amo na nagpapahirap sa kanyang girlfriend sa series na si Arci Muñoz.  

Kasama pa sa series ang masayang sidekick nito na si Empoy Marquez at dating personal assistant ni Papa P na si Moi.

‘Kaaliw din ang ginagawang pag-push ni Piolo sa bagong loveteam na EmMoi na pang tapat daw sa Alempoy nina Alessandra de Rossi at Empoy. Patawa ang mga batuhan nina Empoy at Moi sa mga eksena na nagmukhang ka-love triangle si Alex.

Samantala, dagdag pampakilig sa teleserye ang marinig ang boses ni Papa P sa themesong ng nasa­bing palabas na Even the Nights are Better.

Siyempre bet ng marami ang kanta na kinikilig sa version ni Papa P na feeling ng fans ay hinaharana sila ng magandang boses ng actor.

Show comments