Jessy at Luis
Jessy at Luis
Jessy rumesbak sa mga nagne-nega sa kanyang kapayatan!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 2, 2018 - 12:00am

Hindi na nakatiis si Jessy Mendiola sa mga bumibira sa kanya sa kabila ng kanyang pagpayat ng 27 lbs.

Totoo naman na malaki na talaga ang ipinayat ni Jessy na makikita sa kanyang mga Instagram post. Nagpapakita na nga siya ng abs.

“Noong malaman ako, dami niyo sinasabi. Ngayon na pumayat ako, dami niyo din sinasabi. Proud ako maka-lose ng 27 lbs, ok lang? Masama ba? Sa mga nega diyan, kalma kayo. Exercise din kayo para sumaya naman kayo. Kailangan niyo ng endorphins eh,” sabi niya sa kanyang Instagram story.

Ang gusto lang naman daw sana niya ay maka-inspire sa ibang tao lalo na nga’t ang pakiramdam niya ay mas malakas siya ngayong nabawasan ang timbang niya.

“I lost a bit of weight because I feel beautiful when I feel healthy. I’m more active and energized now compared before, I’m actually at my happiest too. Hope I could inspire people even just a little.

“Btw I worked hard for this. Hirap kaya magpakahealthy. Yun lamang. End of rant,” sabi niya sa kanyang IG story na deleted na.

In all fairness naman kasi talaga kay Jessy, malaki ang iginanda ng katawan niya kesa noon. At siyempre na-achieve niya ‘yun sa tulong ng boyfriend niyang si Luis Manzano. “Alam mo, wag ka na mahiya. Mahal naman kita eh. Pakita ka na, promise di ako galit. — me to my abs.  #struggleisreal #hirapbes Bands and kbell training this morning. Hi @bodybymamakat, good girl ako today. Thank you din @luckymanzano para sa program ko minsan! (Kahit di naman program mo today),” sabi minsan ni Jessy sa kanyang photo na may pa-abs sa kanyang followes sa Instagram.

Sinehan nadagdagan pa, Sid at Aya mas lumakas

Uy bongga. Mas nadagdagan pa ang sinehan ng pelikulang Sid & Aya.

Ayon sa post ng Viva Films, showing na ang mo­vie nina Anne Curtis and Dingdong Dantes sa 230 cinemas.

Nag-umpisa ang pelikula sa 190 theaters sa first day, naging 200 sa second day at kahapon nga, 230 theaters na.

Masasabi ngang super blockbuster ang pelikula nina Anne and Dong bukod pa sa naka-line up nilang international screenings.

I’m sure mas madadagdagan pa ang mga manonood nito ngayong weekend.

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with