Dingdong ayaw pag-artistahin si Zia

Dingdong at Zia

Itinangggi ni Dingdong Dantes na buntis ang asawang si Marian Rivera. Natawa nga lang siya nang tanungin ito sa kanya sa presscon ng Sid & Aya (Not a Love Story) movie nila ni Anne Curtis.

“I wish,” natatawang sabi ni Dong. “Parang wala pa akong alam. Last I checked, hindi, eh,” sambit pa ni Dong.

Bago nagsimula ang presscon ay nakatsikahan din namin si Dong at isa nga rin sa napag-usapan namin ay ang pagkakaroon na ng kapatid ng panganay nilang anak na si Zia.

Aminado naman ang aktor na humihingi na nga ng kapatid si Zia dahil mahilig na raw itong makipaglaro sa ibang bata. Pero siyempre, kung ibibigay sa kanila ni Lord ay ipagpapasalamat nila nang malaki. Pero wala naman daw pressure na kailangan this year or next year ay magka-baby na ulit sila.

Magtatatlong taon na si Zia sa November at ani Dong, gusto niyang sulitin muna ang nalalabing buwan na 2 years old pa lang ang anak.

At Zia’s young age, makikitang sanay na sanay na ang bagets sa camera base sa mga larawang ipino-post nilang mag-asawa. Photographers’ delight ngang matatawag ang bata dahil ang gaganda ng posing niya.

Marami rin ang humuhula na baka in the near future ay maging child star na rin si Zia at mag-artista na.

Pero ayon kay Dong, “mag-aral muna siya.”

So, hindi magiging child star si Zia?

“Hindi. May oras din ‘yun, siguro at a certain age, kailangang. . .basta may plano kami,” he said.

Karla kailangan munang operahan bago magpapayat

Nag-viral ang mga larawan ni Karla Estrada na naka-suot ng swimsuit habang nasa beach at ‘yung pag-e-encourage niya sa mga plus-size women na katulad niya to wear bathing suits.

Ani Karla, wala naman talagang dapat ikahiya sa pagsusuot ng swimsuit kapag nasa beach. Natural lang daw ‘yun regardless kung ano ang size mo.

Pero aminado naman siyang ipinadala raw sa kanya ng Swimsuits for All brand ang mga nasabing swimsuits galing pa sa New York para i-promote niya sa kanyang social media account na suot-suot ang mga ito.

“In-email nila ako kung okay sa akin,” kwento niya.

Wala namang daw siya bayad sa pagpo-promote kungdi ‘yung binigyan nga lang siya ng swimsuits. At natuwa naman daw ang kumpanya dahil ang daming likes ng kanyang posts.

Pero ang pagsusuot daw ng swimsuit ay gagawin lang naman daw niya sa beach. If ever na ha­limbawa ay pararampahin siya nang wala sa beach, let’s say fashion show, hindi na raw siya papayag.

“Kasi pagkaganu’n, hindi na rin naman makatwiran. Nakakahiya rin naman, 100,000 kong cellulites,” natatawa niyang sabi.

Marami rin ang pumupuri kay Karla na hindi siya nao-offend kapag tinatawag siyang malusog or mataba at siya nga mismo ay niloloko niya ang sarili niya tungkol dito.

When asked kung hindi ba niya naisip na magpapapayat, ani Karla ay hindi raw pwede sa ngayon dahil sa kanyang torn ligament na kailangang operahan pero hindi pa niya napapaopera.

Dahil dito, hindi raw siya pwedeng mag-work-out nang mabibigat.

“Pero siguro, next year, pag napa-surgery ko na,” she said.

At saka, required pa raw sa pelikulang Barna ang kasaluku­yang weight niya. Ang nasabing comedy movie ang gagagawin niya sa Star Cinema na matagal nang nakaplano pero hindi pa nga lang nasisimulan.

Sa ngayon, busy si Karla sa pagsu-shoot ng Familia BlandINA under Arctic Sky Productions.

Show comments