John Lloyd nawalan na naman ng isa pang endorsement

JLC

MANILA, Philippines — Marami ang naintriga BTS ng webisode shoot ni Kris Aquino para sa Biogesic. Nagtatanong sila kung pinalitan na nitong endorser si John Lloyd Cruz.

Sabi ni Kris, webisode lang ang kinunan niya noong isang araw, pero hindi malayong siya na rin ang kuning endorser ng Biogesic bilang may iba pang gamot ng Unilab na kanyang ini-endorse.

Anyway, back to John Lloyd, parang kontento na ito sa buhay niya ngayon with Ellen Adarna at malaki na rin ang naipon, kaya hindi na nababahala kahit pati endorsements niya ay mawala.

Janella laging may bitbit na Panti!

Pinost ni Janella Salvador ang official poster ng movie nila ni Jameson Blake na So Connected ng Regal Entertainment at showing starting May 23. Kasama sa poster ang purple colored stuffed toy na si Panti-Panti na kilala ng fans dahil pati sa mall shows, dala-dala ni Janella.

Anyway sana, hindi muling pagsimulan ng “socmed war” nina Janella at mom niyang si Jenine Desiderio sa cryptic tweet ng young actress na “The truth will always find it’s way out. That’s how life works.”

Sanya at Rocco may away

Parehong binura nina Rocco Nacino at Sanya Lopez ang pictures na magkasama sila sa Instagram (IG) at in-unfollow na rin ni Rocco si Sanya sa socmed dahil sa GF niyang si Melissa Gohing.

Tweet ni Rocco: “Ako na nagkusa gumawa ng mga yan, in respect to having a Girlfriend, so its not fair na tinitira nyo sya (GF). Easy lang ah, back off from Melissa okay? Nakaka-turn off ka naman.”

Ang feeling pa ng mga nakabasa ng tweet ni Sanya na “Respeto lang din:)” ay para kay Rocco ‘yun.

Hindi nanood si Sanya sa Oh, Boy! & Oh, Lol!  concert nina Rocco sa Music Museum last Friday kahit kasama sa performers ang kapatid niyang si Jak Roberto.

Mabuti rin na hindi nanood si Sanya sa concert dahil present si Melissa. Sobrang sweet ni Rocco at ng kanyang girlfriend na lagi pang magka-holding hands kahit may fans.

Panahon na siguro para hanapan ng bagong makaka-love team si Sanya at si Rocco.                                                                                   

Show comments