^

Pang Movies

Barbie ayaw pag-ilusyunin ang fans

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Barbie ayaw pag-ilusyunin ang fans
Barbie

Happy si Barbie Forteza na after ng ilang buwan, after ng last niyang romcom series na Meant To Be, balik-primetime muli siya sa isa pang romantic-comedy series, ang Inday Will Always Love You kasama ang balik-katambal niya na si Derrick Monasterio na una niyang nakatambal sa The Half Sisters.

Sa media launch ng Inday Will Always Love You, na-overwhelmed si Barbie sa mga praises sa kanya ng mga senior stars na kasama niya, sina Ricky Davao, Manilyn Reynes, Gladys Reyes, Tina Paner at Ms. Nova Villa. Flexible, mabait, professional, hindi mareklamo, magaling mag-memorize ng lines, marespeto, isang role model si Barbie na dapat daw tularan ng mga young stars na ka-age niya kung gusto nilang sumikat.

Hindi mareklamo si Barbie, kaya raw hindi kataka-taka kung bakit sumikat siya at mas dumami ang mga projects niya.

 Biniro si Barbie kung hindi raw ba hadlang sa kanyang mga projects ang pagkakaroon niya ng boyfriend. Open naman at hindi niya itinago na sila na ngayon ni Jak Roberto, na tanggap na tanggap din ng family niya.

“Hindi po naman, sa akin po parang malawak na ang pang-unawa ng viewers ngayon. Hindi po naman kailangang maging kayo ng katambal mo para kayo pag-usapan at panoorin. Sa palagay ko po basta maganda ang story at mahuhusay ang mga artista sa isang project, magugustuhan ito ng mga televiewers.

“Tulad po ng Inday Will Always Love You,” dahil ang setting nito ay sa Cebu, pumunta ang buong cast doon para mag-taping.

“Ipakikita po namin ang mga magagandang lugar doon tulad ng Bantayan Island na isang virgin island, kahit ang paggawa ng lechon, ipakikita namin dahil iyon ang magi­ging trabaho ko nang pumunta ako ng Cebu, matapos kaming mapaalis sa lugar namin sa Manila. Marami pong twists sa story, at ibang Barbie naman as Inday Happylou ang mapapanood ninyo.”

A project by GMA News & Public Affairs, mapapanood na ang rom-com simula sa Lunes, May 21, pagkatapos ng Kambal Karibal.

Rhian pinagpalit ang pag-rampa sa Cannes   

Mas pinili pala ni Rhian Ramos na mag-attend ng 10th wedding anniversary party ng amang si Gareth Howell at ng stepmother niyang si Nuan sa Thailand noong May 13  kaysa mag-attend ng world premiere ng movie niyang Trigonal at rumampa sa red carpet ng Cannes Film Festival sa France last Saturday, May 12.

May last taping day pa rin kasi sila para sa grand finale ng kanilang romantic-comedy series na The One That Got Away sa Friday, March 18.  

Inaabangan ng mga netizens kung magkakaroon ng bonggang triple wedding sina Dennis Trillo at Lovi Poe, Rhian Ramos at Jason Abalos at sina Max Collins at Ivan Dorschner, after ito ng Kambal Karibal sa GMA 7.

 

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with