Naglilihi sa kulay puti, Heart sinimulan na ang motherhood diaries

Heart Evangelista

Matapos ikumpirma ni Heart Evangelista that she’s pregnant last Saturday, kahapon ay nag-update siya sa kanyang Instagram Story.

“The beginning of my #mommyhood diaries,” ang post ni Heart na makikita sa video na masayang-masaya.

May video clip din siya ng dalawang anak ni Sen. Chiz Escudero na masayang-masaya rin at sa caption, she wrote, “the two are excited to have another sibling.”

Nagbigay din siya ng panayam sa isang broadsheet kung saan ay sinabi niyang naglilihi raw siya sa anything white tulad ng eggs, white bread at lahat ng may mayo­nnaise.

Gusto rin daw niya ang ice cream and anything with cheese.

Hindi naman daw siya nahi­hirapang maglihi, ayon pa sa kanyang panayam. Syempre, normal na makaranas siya ng pagkahilo at pagsusuka at bagama’t bago sa kanya ang karanasang ito, sobrang excited siya and looking forward sa bagong journey niya na ito.

Excited na nga raw siyang malaman ang gender ng kanilang baby at kahit hindi pa niya alam, naka-ready na raw ang baby room na neutral lang ang kulay para kahit babae or lalaki ay pwede.

Gary nakalabas na ng ospital!

Isa pang good news kahapon, lumabas na ng ospital si Mr. Pure Energy Gary Valenciano saktong isang linggo matapos siyang maoperahan sa puso.

Siyempre, masayang-masaya ang misis niyang si Angeli Pangilinan dahil timing pa sa Mother’s Day ang paglabas ng asawa.

“’Let’s get this guy home.’ The cardiologist said! God gave me, my mom, our sisters, Samantha, my children & Mamita a gift.

“Gary is checking out this morning on Mother’s Day. Thank you for all the prayers ! Happy Mother’s Day!” ang tweet ni Angeli kahapon.

Nag-post din siya ng video sa Instagram kung saan ay makikita ngang malakas na at tila all set nang umuwi si Gary habang naglalakad sa corridor ng hospital.

“Gary has always had unbelievable challenges. He was born and went straight to an incubator as he almost died, having been 10 months in his mom’s womb. When everything was coming up roses, he had to go to the ICU again for yet another challenge yesterday but overnight he conquered it and it so happened that Gab (Valenciano) was the bantay last night overnight at the coronary ICU. So I was able to sleep! yey!

“What a wonderful mother’s day present from the Lord! Walking in the hospital corridors on his way to the 16th floor to thank the nurses and doctors who took care of him... I could only praise God for his sweet surprises. Time to go home and renew his energy. And His timing is so wonderful - he is coming home on Mother’s Day! God is good,” ang caption ni Angeli sa IG.

Muli ay nagpasalamat naman si Angeli sa lahat ng well-wishers at sa lahat ng nagdasal for Gary.

Show comments