^

Pang Movies

Nagsalita rin sa pagkikita nila ni Jessy, JM sumumpang hindi na babalikan ang bisyo!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Nagsalita rin sa pagkikita nila ni Jessy, JM sumumpang hindi na babalikan ang bisyo!
Barbie at JM

Aminado si JM de Guzman na nasa recovery stage pa rin siya matapos siyang lumabas sa rehabilitation center kamakailan.

Kahit nasa labas na siya ay kailangan pa rin niyang mag-report monthly at araw-araw daw ay may counseling pa siya.

Ito ay para masigurado na talagang hindi na siya babalik pa sa dating bisyo at talaga namang sinabi rin naman ng aktor na talagang this time ay seseryosohin na niya ang pagbabago hindi raw katulad dati na binitawan daw niya ang recovery stage at inasa na lang daw niya sa sariling diskarte.

Ngayon ay binigyan siya ulit ng pagkakataon ng ABS-CBN na makabalik muli sa showbiz. Bida siya sa Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi mula sa unit ni Ruel S. Bayani at sobrang thankful ng aktor na talaga namang laging nandiyan ang network para saluhin siya sa tuwing madadapa siya.

Sa presscon nga na ginanap kahapon para sa nasabing pagbabalik ng serye after 9 years, kitang-kita talaga ang mainit na pagtanggap sa kanya ng network na labis na ipinagpapasalamat ni JM.

Wala na bang gabing darating sa buhay niya?

“Well, ‘yun gabing darating parang hindi naman po yata mapipigilan ‘yun, kasi nasa tao di ba? Pero ngayon po, sa pinagdaaanan ko, with coping skills para ma-manage ko ‘yung sarili ko sa oras ng dilim. And may support group po ako na hindi binibitawan,” pahayag ni JM.

Sa nasabing presscon ay nilinaw din ng entertainment press sa aktor kung talaga bang isa sa dahilan kung bakit nadiskaril siya ulit ay dahil sa break-up nila ni Jessy Mendiola.

“Hindi ko pwedeng sisisihin do’n, eh kasi lahat naman ng tao nagdadaan sa kahit anong problema,” pahayag ni JM at the media conference kahapon ng Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi na comeback drama niya sa ABS-CBN.

“Sinisisi ko lahat sa maling choices na ginawa ko to deal with my problems,” dagdag pa ng aktor.

Sa ngayon ay matagal na raw silang hindi nagkakausap ni Jessy pero nagkita raw sila sila minsan sa isang restaurant pero hindi raw sila nagkaroon ng chance na magkabatian.

Pero aware naman si JM na masayang-masaya naman si Jessy now sa piling ni Luis Manzano at alam din niyang papunta na sa kasalan ang relasyon ng dalawa.

Mula sa direskyon ni Theodore Boborol, magsisimula na sa April 30 ang PHR Presents Araw Gabi.  Kasama rin sa cast sina Barbie Imperial bilang leading lady ni JM, Rita Avila, Vina Morales, Ara Mina, Raymond Bagatsing, Jane Oiñeza, Phoebe Walker, Ysabel Ortega at marami pang iba.

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with