^

Pang Movies

Sumunod sa Disney star Glee actor napaaming bading ni Ariana Grande!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sumunod sa Disney star Glee actor napaaming bading ni Ariana Grande!
Kevin McHale

Out and proud gay man na ang Glee star na si Kevin McHale pagkatapos na ma-inspire siya sa bagong single ng singer na si Ariana Grande na No Tears Left To Cry.

Ginampanan ni McHale ang role na Artie Abrams, ang wheelchair bound glee club member sa hit series na Glee mula 2009 hanggang 2015.

Dahil sa song na iyon, nag-decide nang aminin ni McHale ang kanyang tunay na pagkatao na tinago niya sa matagal na panahon.

Sa kanyang Instagram account, pinost niya ang photo na nakayakap siya sa isang lalake na kanyang longtime boyfriend.

Maraming fans niya ang nagpadala ng congratulatory messages on social media pagkatapos ng kanyang announcement.

Ganundin ang ginawa ng former Disney star na si Alyson Stone na inamin sa Teen Vogue na in-love siya sa isang babae.

Ken ayaw muna sa babae

Natatawa na lang ang Kapuso actor na si Ken Chan dahil hinihintay din daw siyang mag-out tulad ng ginawa ng singer na si Mark Bautista.

Pero pinagdiinan ni Ken na wala siyang gagawing pag-out sa sarili niya dahil wala naman daw siyang tinatago.

“Hindi po ako bisexual,” diin pa ni Ken.

“Nakakabasa nga po ako sa mga websites na kelan naman daw mag-out ang mga aktor na ito at kasama ang name ko.

“Pinagtatawanan ko na lang kasi bakit ako isasama sa listahan na ‘yan, eh confident po ako sa sarili ko.

“Siguro po, nag-start ‘yan noong ginawa ko ‘yung Destiny Rose na teleserye. Hindi nila maihiwalay ang totoo sa trabaho lang.

Siguro raw ay kailangan na ni Ken magkaroon ng girlfriend para matigil na ang tsismis na isa siyang beki.

“Iniisip ko na ngang gawin iyon para lang matigil lang ito.

“Pero hindi ko gagawin iyon para lang mabigyan sila ng satisfaction,” diin ni Ken.

Huling girlfriend ni Ken ay noong ginagawa pa niya ang Destiny Rose. Nag-break sila after four years.

Kasama si Ken sa bagong primetime teleserye ng GMA-7 na The Cure.

Tom forever Kapuso

Forever thankful si Tom Rodriguez sa GMA-7 dahil sa magagandang projects na binigay sa kanya simula noong maging isang Kapuso siya.

Simula pa sa unang Kapuso teleserye niya na My Husband’s Lover, nasundan ito ng My Destiny, MariMar, Someone To Watch Over Me, Mulawin Vs. Ravena at I Heart Davao.

Nabigyan din ng pagkakataon si Tom na maging gameshow host via Don’t Lose The Money.

Ngayon ay isang kakaibang teleserye ang pinagbibidahan ni Tom with Jennylyn Mercado sa The Cure.

Hindi naman itinatanggi ni Tom na instant fan mode siya kapag nakakaeksena si Jennylyn sa The Cure.

“First time na full length na soap na kasama ko si Jen. Kasi ‘yung ginawa namin two days lang ng Lenten Special for APT, and du’n pa lang nag-enjoy na ako nang sobra.

“Kaya sarap, ang gaan lang katrabaho tsaka napakagaling, nakakabilib sobra.”

vuukle comment

KEVIN MCHALE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with