^

Pang Movies

Jay Sonza umingay sa galit ni Kris kay James!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jay Sonza umingay sa galit ni Kris kay James!
Kris Aquino

Damay pala si Jay Sonza sa mga emote ni Kris Aquino laban sa ex-husband nito na si James Yap.

Imbyerna si Kris dahil hindi ipinagtanggol ni James ang kanilang anak na si Bimby nang sabihan ito na baklain ni Jay.

Bilang isang super duper protective mother, inasahan ni Kris na reresbakan ni James si Jay pero nanahimik lang ang ex-dyowa niya.

Dedma talaga si James sa mga social media rant ni Kris dahil imbes na sumagot at ipagtanggol ang sarili, ang mga picture at video ng kanyang sosyal na motorsiklo ang makikita sa social media post niya.

Nakahanap naman si Kris ng mga kakampi dahil nakikisawsaw sa pagbatikos kay James ang loyal supporters niya.

‘Yung iba naman, kung anik-anik lang ang sinasabi dahil maligaya na sila sa pagsali sa pagtalak kay James itsurang hindi nila alam ang tunay na isyu.

PPP nilipat sa ibang araw

Postponed for another date ang grand launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino, ang film festival ng Film Development Council of the Philippines dahil may mga kasabay na presscon.

Si FDCP Chair Liza Diño ang nag-decide na ilipat sa ibang araw ang launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino para hindi mahirapan sa paglalagare ang enterainment writers.

Malaki ang malasakit ni Liza sa entertainment industry at sa showbiz press kaya siya na ang nag-adjust kahit puwedeng-puwede na ituloy niya ang malaking event ng FDCP para sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Mga reporter walang napiga kay Paolo

Kalurky ang ibang mga reporter dahil trying hard sila na paaminin si Paolo Ballesteros na bading ito.

Hindi dapat i-pressure si Paolo dahil what you see is what you get ‘no!

Hindi ang tipo ni Paolo ang gagawa ng tell-all book at susundan ang yapak ni Mark Bautista dahil magkaiba ang pananaw nila sa buhay.

Basta ang importante, komportable si Paolo sa sexuality niya at nakakapagbigay siya ng happiness at entertainment sa mga tao tulad ng kanyang karakter sa My 2 Mommies, ang coming soon movie ng Regal Entertainment Inc.

Ang maganda kay Paolo, hindi siya napipikon sa mga personal question ng mga reporter.

Kung ano ang tanong sa kanya, yon din ang sagot niya kaya walang napapala ang mga intrigera.

Squad Goals at My 2 Mommies magbabanggaan

Pareho ang playdate ng My 2 Mommies ng Regal Entertainment Inc. at ng Squad Goals ng Viva Films.

Sa May 9 ang showing ng dalawang Tagalog movies na magkaiba naman ang genre. Youth oriented movie ang Squad Goals at family comedy drama ang My 2 Mommies kaya wish ko lang, tangkilikin ng moviegoers ang mga nasabing pelikula.

Launching movie nina Vitto Marquez, Jack Reid, Andrew Muhlach at Dan Hushka ang Squad Goals na millennial version ng 80’s blockbuster movie na Bagets.

Si Jack ang younger brother ni James.

Pangarap ni Jack na sundan ang yapak ni James sa showbiz kaya pinipilit niya na maging matatas sa pagsasalita ng Tagalog. Kung nagawa ni James na matuto ng Pinoy language, kayang-kaya rin ni Jack.

Natural comedian naman si Vitto na hindi surprising dahil anak siya nina Joey Marquez at Alma Moreno.

Nagbida noon sina Joey at Alma sa mga sitcom dahil may talent sila sa pagpapatawa na minana ni Vitto.

Kasama sa cast ng Squad Goals si Julian Trono na kuya-kuyahan ng mga co-star niya bilang siya ang pinakamatanda sa grupo.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with