Fans ni Charice, buwisit na kay Jake Zyrus!

Jake

MANILA, Philippines – May mga nakakwentuhan kaming avid followers ni Charice Pempengco na Jake Zyrus na ngayon.

Ang hinahanap-hanap daw nila ay ‘yung dating Charice Pempengco na isang promising singer sa ABS-CBN, pero bakit ngayon ay iniiba niya ang kanyang porma at hindi nila ma-take or matanggap na may pa-bukol epek pang ipinararamdam sa kanyang harapan ang singer.

Nagbibiro tuloy ‘yung ibang fans, parang nakakatakot daw yata ‘yung gustong mangyari ni Charice dahil baka naman bumuka ang lupa kapag nagkagayun.

Sana raw ay manatili na lang simple na lang tutal boses niya ang hinahangaan at hindi bagong porma ng katawan.

Ruru ipapalit daw kay Alden

Sana raw ay mabigyan si Ruru Madrid ng magagandang project sa Kapuso at hindi basta kung ano na lang. Malaki ang potential ng actor na maging tagapagmana ni Alden Richards. Hindi nila type yung Sherlock Jr. dahil aso raw ang bida at namatay pa ang type nilang kaparehang si Janine Gutierrez. Sana raw muling ibalik ang nauntol na tambalan ng dalawa.

Kim mas piniling mag-charity kesa maghanda

Nagkuwento si Kim Chiu na hindi na siya nag­handa dahil ibinigay na lang sa charity ang anumang dapat ay gagastusin sa paghahanda niya. Pero may komento na dapat daw kung magbibigay ng tulong sa charity hindi na ibinabalita pa para may sincerity ito a.                

 

Show comments