Vice kinalimutan muna ang sakit alang-alang kina Billy at Coleen!

Vice Ganda

Alam ko na isa sa mga nasa Balesin island kahapon para sa kasal nina Billy Crawford at Coleen Garcia ay si Ogie Alcasid.

So, tinext ko si Ogie para maki­tsika tungkol sa kasal na pinuntahan nila ng misis na si Regine Velasquez-Alcasid, pero wala pa siyang maikuwento dahil 3:30pm pa raw magsisimula ang kasal.

Anyway, bukod kina Billy at Coleen, ang kilalang celebrity pa na nagpakasal sa Balesin island ay sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.

Samantala, kuwento naman sa amin ng P.A. (personal assistant) ni Vice Ganda, si Jan Bariuad, taped pa rin bukas ang It’s Showtime dahil nasa Balesin island nga ang mga kasamahan ni Billy sa show, pero babalik din daw ng Maynila ngayong umaga si Vice dahil live mamaya ang Pilipinas Got Talent.

Naku, medyo may health problem pa naman si Vice, pero siyempre, wala naman siyang magagawa dahil hindi naman siya puwedeng um-absent sa PGT.

Assunta balik sa pagpapaseksi

Dalawang episodes pala sa trilogy movie ng mga anak ni Bong Revilla ang pinamamahalaan ni Direk Dondon Santos.

Kahapon, kausap namin si Direk Dondon dahil na-convince niya si Assunta de Rossi na mapasama sa isa sa dalawang episodes na siya ang direktor.

‘Yung kay Luigi Revilla na kasama si Sandino Martin ang episode ni Assunta, pero hindi pa puwedeng ikuwento ang istorya.

‘Yung kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla naman daw, patapos na rin ni Direk Dondon at may last three shooting days na lang siya.

‘Yung isa pang episode na si Brian Revilla naman ang bida (at natsitsikang may something romantic going on between him and his leading lady na si Carla Humphries), ay si Richard Somes ang direktor.

Ayaw na sana ni Assunta na mag-shooting o mag-taping, pero nang mabasa ang script ng Junkie episode ay nagandahan siya at sunud-sunod naman ang magiging shooting, kaya hindi na siya nakatanggi kay Direk Dondon.

Naloka lang kami dahil may pagka-sexy and daring daw ang role ni Assunta, kaya sana pumayag ang mister niyang si Jules Ledesma (na in fairness to him naman ay hindi nakikialam pagdating sa mga showbiz project ng misis), ‘noh?!

Male singer takot sa Germs, may tagapunas bago umupo sa lamesa

Mabait kung sa mabait ang singer na ito na pinagdududahan din ang sexual preferences.

Hindi naman maarte ang pagkakakilala namin sa kanya, pero ‘yung ibang mga tao na nakakasama niya sa mga lakaran, may kaartehan at pinangungunahan siya.

Nagulat ang isang kakilala namin na kilala rin sa sports world dahil nakita niyang nilagyan ng alcohol at pinunasan ng kasama ni singer ang mesang pupuwestuhan nito bago umupo roon si singer.

Mukhang hindi naman daw inutusan ni singer ang kasama niya na gawin ‘yon. Pero ang tanong – hindi kaya sa bahay pa lang ay nagbibigay na ng ganoong instructions si singer, kaya ‘yon ginawa ng kanyang kasama?

Well…

Show comments