^

Pang Movies

Sarah lume-level na kina Shawie at Regine!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sarah lume-level na kina Shawie at Regine!
Sharon at Regine

Inilabas na ang This 15 Me album ni Sarah Geronimo in time sa 15th anniversary concert niya sa Araneta Coliseum ngayong gabi.

Selebrasyong ng 15 years ng Pop Star Royalty ang malaking concert niyang ito kaya naman sabik na sabik na ang kanyang followers na mapanood siyang humahataw at bumibirit!

After Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid, tanging si SG lamang ang nakatawid sa pelikula, recording, concert at TV na buong tagumpay.

Mabenta na ang kanyang albums, blockbusters pa rin ang pelikulang ginawa kahit kada isa o dalawang taon lang siya gumawa.

After the concert, ang pelikulang Miss Granny naman ang aabangan kay Sarah kasama sina James Reid at Xian Lim.

NATE Hindi nahirapan nang sumabak sa TVC

Ipinagmalaki ni Regine Velasquez-Alcasid ang pagkuha sa kanila ng anak na si Nate ng malaking food chain para sa isang TV commercial.

Sa puntong ito, pumayag siyang lumabas sa TVC si Nate dahil hindi naman ngaragan ang paggawa ng commercial. Ipinakita ni Songbird sa kanyang Instagram ang ilang bahagi ng behind the scenes ng shoot nilang mag-ina.

Hinanap nga lang ng followers ni Reg ang asawang si Ogie Alcasid para kumpleto ang pamilya nila.

Sa April 15 ang premiere ng TVC kaya mapapanood ito nina Regine at Nate dahil uwian naman siya mula sa concert niya tonight na 3 Stars, 1 Heart sa Dagupan City.

Alden bitin pa sa one on one workshop

Sumalang muli sa iba’t ibang acting lessons si Alden Richards sa acting coach na si Anthony Bova habang nasa New York City ngayon. Bitin pa siya sa sinamahang workshop ni Bova nu’ng dumating siya sa bansa through the invitation of GMA Artist Center.

Tweet ni Alden na may kasamang picture, “To be one of your students is a great privilege, thank you so much for your time Mr. Anthony Bova.”

Bumalik sa NYC ang Pambansang Bae after niyang dumalo sa 2018 New York Festivals World’ Best TV and Films kung saan nagwagi ng silver award sa docudrama category. Sa isa namang Instagram story ni Alden, naglalakad-lakad siya sa East Village, Manhattan.

REGINE

SHARON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with