Ni-revive na kanta ni Gary V may kirot

Gary Valenciano

Wow at wow! Iba talaga kapag si Gary Valenciano ang nag-revive ng kanta gaya ng single nitong Ano’ng Nangyari sa Ating Dalawa.

Excellent ang rendition nito na hindi lang basta nag-deliver ng lyrics si Master Gary V., kung hindi nilalagyan niya ng puso ang bawat bigkas na feel na feel ang kanta.

Galing talagang magpaluha si Gary V. kaya lagi tuloy naghihimutok ang fans ng FPJ’s Ang Probinsyano kapag ito ang background sa hiwalayan ngayon nina Alyana (Yassi Pressman) at Cardo (Coco Martin) sa Kapamilya Network na nasasaktan para sa kanilang idol na sinasabayan pa ng kanta ni Gary V.

Talagang durog na durog ang pag-emo nang malamang mensaheng kanta ni Gary ang tungkol sa pansamantalang sumpaan ng mga naudlot na forever.  Maganda na ang original ni Aiza Seguerra, pero super galing din ang version ng King of OPM na si Mr.  Gary V.  na tagos sa puso at release ng Star Music.

Show comments