^

Pang Movies

Edu mas bagay sa aksyon!

Vir Gonzales - Pang-masa
Edu mas bagay sa aksyon!

Edu Manzano

MANILA, Philippines — Nagbalik na nga si Edu Manzano sa ABS-CBN. Matagal din naman naging Kapamilya si Edu na sumubok lang ng kapalaran sa GMA 7 kaso tipong hindi naman maramdaman ang ginawa niyang paglipat sa Siyete.

Tiyak na mapapansin ngayon si Doods (palayaw ni Edu) sa pagsalang niya sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil ang nasabing serye na pinagbibidahan ni Coco Martin ay certified hit. Tipong hindi kasi type ng mga tagahanga na magpatawa lang siya sa Celebrity Bluff.

Well, abangan natin kung kakagatin ang role ni Doods.

Nora may galit kay Imelda?!

Ilan sa mga kapatid sa showbiz na mostly ay maliliit lamang ang kita ang lumalapit sa KAPPT (Kapisanan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon) President na si I­melda Papin. Nagtatanong sila kung paano bang gagawin sakaling maaksident sila sa taping ng serye o shooting ng pelikula.

Sino raw ang lalapitan nila para mahingan ng panggastos sa ospital kapag naaksidente. Isang halimbawa rito ang nangyari kay Christopher de Leon na nabaril sa bandang singit para sa seryeng Kambal, Karibal ng GMA 7.

Pero paano naman daw kaya silang mga ekstra sakaling sa kanila ito mangyari?

Nangako naman si Mel (Imelda) na matutulungan sila sa abot ng kanyang makakayanan.

Teka totoo bang may bad blood si Nora Aunor kay Imelda? Nakarating sa huli ang pagkukuwestiyon umano ni Nora na bakit siya naging president ng KAPPT samantalang hindi naman daw siya artista.

May komento kaming narinig na ang sabi, kahit na nga artista ang mauupo kung wala namang magagawang tulong sa kanila unlike Imelda Papin ay wala ring mangyayari.

May kinalaman daw kaya sa politika ang ikinaayaw ni Guy kay Mel?

Baliuag may magarbong prusisyon ngayong lenten…

Sa darating na Semana Santa, over all chairman ng mga activity ng gagana­ping  traditional na kaugalian sa bayan ng Baliuag si Sir Knight Jorge Allan Tengco katuwang ang Baliuag monsignor Andres Valera at Edgardo Torribio.

Magaganap ang pinakamagarbong procession ng mga Patron Saint na kinabibilangan ng one hundred carosas at float ng mga Patron Saint.

Everybody is welcome sa Baliuag para saksihan ang dinarayong okasyon tuwing Lenten Season.

                                         

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with