Alden Richards at Maine Mendoza

Alden at Maine ayaw sukuan ng fans, pelikula niluluto na raw
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 13, 2018 - 12:00am

Nabuhayan ng loob ang AlDub Nation (ADN) nina Alden Richards at Maine Mendoza nang mag-post last Friday, March 9, si Ms. Annette Gozon ng GMA Films sa kanyang Instagram wall ng picture nila nina Direk Mike Tuviera at Joey Abacan ng GMA sa office niya sa Kapuso Network, may picture din siya na kasama sina Direk Louie Ignacio at Mark Reyes with the caption na “on a Friday afternoon.”

Then last Sunday March 11, may picture din siya with Alden Richards, Joey and Tracy Garcia of GMA Artists Center, sa bahay ni Alden sa Sta. Rosa, Laguna, with a caption: “Reunion of sorts.”

May niluluto kayang project si Ms. Annette para sa AlDub bilang sagot niya sa promise niya noon na hindi niya paghihiwalayin ang love team nina Alden at Maine? 

Matatandaan na si Direk Mike ang nagdirek ng first solo movie nina Alden at Maine na Imagine You & Me na isang blockbuster in 2016.  Sina Direk Louie at Direk Mark ay naging director ng AlDub sa Sunday Pinasaya.

Kinukulit din ng ADN si Direk Mike na nagsa­bing “maghintay-hintay lang may inaayos pa sa script ng next movie” na siya muli ang magdidirek para sa APT Entertainment, pero inip na ang mga fans, lalo pa na alam nilang ang next project ni Alden ay isang fantasy-action series sa GMA 7 na hindi si Maine ang leading lady niya kung hindi si Janine Gutierrez.

Meanwhile congratulations kina Alden at Maine na napiling Male and Female Media Personality of the Year ng 2nd Gawad Bedista.  Recognized sila ng Beda Communications, the official Communication and Media Studies Organization ng San Beda College Alabang in Muntinlupa.

Atom maraming pasabog sa unang acting project

Mabilis na kumalat sa social media na maganda at powerful movie ang Citizen Jake ni Mike de Leon at first movie project ni Atom Araullo. Nagkaroon ito ng invitational premiere last Saturday, March 10 sa UP Film Center. Dinaluhan ito ni Direk Mike de Leon, at ng cast ng movie, sina Atom, Gabby Eigenmann, Luis Alandy, Richard Quan, Max Collins, at Ruby Ruiz.

Nasa cast din sina Cherie Gil, Teroy de Guzman, Anna Luna, at Nonie Buencamino. Marami itong revelations na ikinagulat ng mga manonood. Magkakaroon ang Citizen Jake ng first public screening ngayong Tuesday, March 13 sa UP Film Center.

Pasado ang acting ni Atom sa kanyang first movie na isa rin siya sa scriptwriters. At congratulations din kay Atom dahil ang first documentary na ginawa niya sa GMA 7 na Philippine Seas ay nakatanggap ng award mula sa GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students).  Ang second docu niyang Silang Mga Kinalimutan ng I-Witness ay finalist naman sa Asian TV Awards. May bago rin siyang programa sa GMA 7, ang The Atom Araullo Specials na malapit nang mapanood.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with