Sam mas priority na ang beach kesa career

Sam Pinto

Dalawang Sam ang starring sa currently showing na pelikulang Ang Pambansang Third Wheel, sina Sam Milby at Sam Pinto.

Parehong naging boarders ni Kuya ang dalawang Sam sa Pinoy Big Brother (PBB).

Of Sam P., nalaman namin na kaya pala hindi na siya masyadong aktibo sa kanyang career ay dahil nagmamay-ari pala siya ng isang beach resort na siya rin ang namamahala.

At engaged na rin pala siya sa fitness business.

Sa Ang Pambansang Third Wheel na idinidirek ni Ivan Andrew Payawal at tinatampukan din ni Yassi Pressman, gumaganap si Sam P. bilang estranger mom ng child actor na si Alonzo Muhlach.

John nakahilera na ang mga ididirek 

Wow, naman, Salve A., certified concert director na ang former child na si John Prats. Thanks to the two-night concert na Tagpuan, featuring new sensational singer, Moira dela Torre, na talaga namang pinuno ang Kia Theater.

At heto pa, Salve A., produced ito ng Bright Bulb Productions, a newly-organized events company na pagmamay-ari nina John, Sam Milby at Angelica Panganiban.

Now for the additional good news about John, napili siya ng Cornerstone Concerts head na si Erickson Raymundo, para magdirek ng ilang upcoming concert ng kanyang company.

The eight concerts, will all be topbilled, of course, by Cornerstone artists at ilan sa mga ito ay sina Angeline Quinto, Erik Santos, Rachelle Ann Go, K Brosas, Richard Poon, Jaya, Kyla, Jay-R at ng star of the hour dahil sa kanyang victory sa Singers 2018 competition sa China, si KZ Tandingan.

Walang pang idea si John kung sinu-sino sa mga nabanggit na talents ang kanyang ididirek pero aniya, sobrang excited na siya.

Ganun pa man, even with this new accomplishment of his, walang balak si John na talikuran ang kanyang acting career.

Regular siyang napapanood sa FPJ’s Ang Pro­binsyano, topbilled by Coco Martin, at sa gag prog­ram every Sunday na Banana Sundaes.

Last ‘wag nating kalimutan na happily married si John kay Isabel Oli, mother ng kanyang two year-old daughter na si Feather.

Lilia Dizon malakas at sexy pa rin

Tiyak na kilala pa ng moviegoers noong late 60s at early 70s si Lilia Dizon, an LVN contract ta­lent, like Perla Bautista, Luz Valdez and Caridad Sanchez, among others.

Isa sa sexiest actresses of her time si Lilia at ikinasal siya kay late Gil de Leon. Isa sa kanilang anak ang hanggang ngayon ay aktibo sa showbiz, ang award-winning actor na si Christopher de Leon.

Si Boyet naman ay married kay Sandy Andolong. Well, Boyet and Sandy are the parents of beauty queen Mariel de Leon, who finally has decided to follow her parents and grandparents’ footsteps.

Mariel has tapped talent manager Leo Dominguez to handle her career.

Now of her Lola Lilia, ayon kay Mariel ay malakas, sexy, at alert pa rin daw ito.

Happy birthday…

Today, March 8, marks the 91st birthday of action star who is otherwise known too, as the Agimat King, Ramon Revilla, Sr.

Ramon, Sr. served bilang senator, too, just like his junior, Bong Revilla.

Yesterday, March 7, was the birthday, too, of my niece, Ira Ramos, daughter of Chit Ramos.

Ira is both a blogger and engaged, too, sa pagsu-supply ng magagandang models, both local and fo­reign, for TV commercial, print ,and ramp mo­deling.

Show comments