Joshua at Julia ibinuko ang sikreto sa relasyon

Julia Barretto at Joshua Garcia

Mukhang pinaninindigan ni Joshua Garcia ang kantang Perfect ni Ed Sheeran na theme song nila ng girlfriend na si Julia Barretto.

Madiing apela ni Joshua na bakit daw hindi, dahil pagdating sa kanya ay sapat at perfect na si Julia. Pareho rin silang nagkakasundo sa kanta lalo na raw si Julia na mahilig din sa mga lumang kanta na sound trip minsan ng dalawa.

Ibinuko naman ni Joshua na minsan ay pakipot at pamisteryosa raw si Julia. Mas showy at sweet daw ang aktor kaysa sa pabagu-bagong mood ng aktres. Pero ang maganda ay nagbibigayan lang sila ni Julia kahit hindi sila nauubusan ng tampuhan na hindi nila hinahayaang matapos ang maghapon na hindi sila nag-uusap. Ginagawa lang nilang balanse ang lahat. Pareho raw naman silang hindi selosa. Mas maganda raw na nagtutulungan at naghihilahan sila pataas kapag pagod o wala sa mood ang isa’t isa.

Samantala, nagpapasalamat ang dalawa na nanalo ng Movie Love Team of the Year sa katatapos na PMPC Star Awards for Movies kamakailan.

Mas ginaganahan daw siyang ipamalas ang kanyang passion sa acting kapag kaharap ang inspirasyon niya na si Julia.

Balitang bibida muli ang JoshLia sa isang serye na ipapabas sa ABS-CBN ngayong taon.

Show comments