Andi idinenay ang break-up sa non-showbiz bf

Pinabulaanan ni Andi Eigenmann na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Emilio Arambulo.

Sa katunayan ay nag-post pa si Andi ng isang Valentine’s Day message para sa kanyang boyfriend.

Nagsimula kasi ang tsismis na hiwalay na sila ni Emilio dahil sa isang Instagram post ni Andi na may hashtag na #SingleAndUnattached.

Nilinaw ni Andi na ginamit niya ang hashtag na iyon noong um-attend siya sa isang event ng isang shoe brand. Hindi raw iyon tumutukoy sa relasyon niya ngayon.

Heto ang Valentine’s Day message na ipinost ni Andi para kay Emilio:

“Posting this v. old pic of us because it’s Valentine’s day and that’s what people do here. And also because this was from our first ever road trip to LU and we are now headed there again for #Singleand­Unattached. And also because do you see how much has changed!! From me looking at you that way para cute, and you lookin­g like a 90s Pinoy TV heartthrob, to today that we both seem to have adapted a permanent smell of the sun and salt water, but it’s ok, because we [reek] of pure happiness and contentment anyway!”

Noong 2015 pa raw nagsimula ang relasyon nina Andi at Emilio pero noong 2016 lang niya ito ipinaalam sa publiko.

Mikoy at Thea umaasa pa sa second chance?!

Nag-open up na ang Sirkus star na si Mikoy Morales tungkol sa pakikipag-break nito sa Kapuso actress na si Thea Tolentino.

Kahit na naghiwalay na sila, marami naman daw natutunan si Mikoy sa naging relasyon nila.

“Ang pinakamalaking natutunan ko sa kanya, sa relationship namin, is ‘yung living the moment.

“Because I’m really an over thinker and it gets in the way of my work a lot of times,” diin ni Mikoy.

Naging maayos naman daw ang paghihiwalay nila ni Thea at open naman daw sila sa possibility na puwede silang magkabalikan ulit.

“Nandun na kami sa anything can happen, which is the reason kung bakit ang tagal din, nakailang closures kami. Nakailang usap kami na ‘last na talaga’ pero hindi. It was hard,” sey pa niya.

Naging daan daw iyon para mas makilala nila ang isa’t isa at mabuo ang relasyon nila na umabot ng apat na taon.

“It was a really good break-up and sometimes, honestly, wini-wish ko na sana may ginawa na lang kaming mali para may rason kami para mag-move on talaga pero wala eh,” pagtatapos pa ni Mikoy.

Lalayasang role ni Meghan Markle papalitan ni Katherine Heigl

Handa nang bumalik sa trabaho ang Hollywood actress at dating American Sweetheart na si Katherine Heigl.

Sa latest post ng 39-year-old actress sa Instagram, ipinakita niya ang before and after photos ng kanyang weight loss. Nanganak kasi last year si Heigl at malaki na ang ipinagbago ng katawan niya.

Ang secret daw ng “body after baby” ni Heigl ay ang na-discover niyang app na Sweat na ginawa ng fitness trainer na si Kayla Itsines.

Si Katherine ang papalit sa role na iniwan ni Meghan Markle sa TV series na Suits. Huling napanood si Heigl sa series na Doubt.

 

Show comments