Daniel

Daniel lumabas ang tunay na kulay nang lapitan ng fan
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - January 16, 2018 - 12:00am

May isang tagahanga na masyadong kinilig nang makaharap at makapagpa-picture na finally sa kanyang iniidolong si Daniel Padilla. Bukod sa pictures na ipinagmamalaki niya, talagang ipinagmalaki rin niya kung gaano kahusay ang pakikiharap sa kanya ni Daniel. Kaya nga nasabi pa niyang kaya pala pinagpapala ng Diyos si Daniel ay dahil mahusay itong makitungo sa kapwa tao.

Naiintidihan namin ang feeling noong fan. Isipin ninyo na sa tagal ng panahong humahanga siya kay Daniel, sumusunud-sunod siya sa mga show ng aktor, dumadayo sa mga malls at kung saan-saan, pero hindi niya nalapitan ang kanyang idol. Nagkataong dumating ang isang sitwasyon na nakita niya iyon, lakas loob na nilapitan at ang natanggap naman niya ay isang magandang pakikiharap. Aba kahit naman siguro sino ay talagang matutuwa sa sitwasyong ganoon.

Nasabi pa nga niya na napaka-suwerte talaga ni Kathryn Bernardo at siya ang naging girlfriend ni Daniel, at wish din niya na maging masaya ang dalawa.

Ano naman ang masama sa mga sinabi niya?

Iyon ngang ibang kasamahan namin sa media na madalas nang makita si Daniel ay kinikilig pa rin ha. At hindi na sila mga bata. Eh lalo na iyong batang kagaya ng tagahanga ni Daniel. Wala kaming makitang masama roon eh, kaya nagtataka kami sa ibang mga inggitera namang fans na siniraan at binash agad iyong fan na iyon. Natuwa lang naman siya dahil nagkaroon siya ng chance, eh di sana gumawa rin sila ng chance naman nila. After all maganda nga iyon dahil nalaman nila na accommodating si Da­niel sa kanyang fans, at may chance sila basta nakita nila iyon.

Bakit kailangang siraan nila iyong isa ring tagahangang gaya nila? O baka naman ang mga naninirang iyan ay hindi mga fans ni Daniel, kung di fans ng iba na naiinggit lang.

Spanky manikan naubos ang ipon bago namaalam

Huli namin siyang napanood doon sa local version ng My Love from the Stars bilang Mr. Jang, ang abugado ni Matteo at nagpanggap ding tatay niya. Pero ang role na iyon ay hindi na natapos ni Spanky Manikan. Malubha na ang kanyang sakit at kailangan siyang ipasok sa ospital kaya napilitan silang palitan ang veteran actor sa show. Pero maski na ang baguhang leading man na si Gil Cuerva, sinasabing para sa kanya, si Spanky talaga ang tunay na Mr. Jang.

Malala na pala ang lung cancer ni Spanky na nasa fourth stage na. May mga kapwa artista rin naman niya na tumulong, nag-fund raising pa sila, kabilang si Piolo Pascual para matulungan si Spanky dahil naubos na rin ang savings niya sa pagpapagamot. Pero alam naman natin ang cancer, basta sinabing stage 4 na, pipilitin mo na lang madugtungan pa ang oras nito.

Noong Sunday, bago magtanghali ay nangyari na nga ang malungkot na kuwento. Pumanaw si Spanky sa edad na 75. Nasa tabi niya ang kanyang asawa, ang aktres na si Susan Africa. Malungkot na istorya iyan, dahil nawalan na naman tayo ng isang magaling na actor.

Ingat-ingat guys, direktor naglibot sa mga eskwelahan para mag-recruit ng gagawing papa

Wala talagang tigil ang pagre-recruit ni direk ng mga poging diumano ay gagawin niyang artista at alam na ninyo kung ano pa. Hanggang sa colleges, universities at kahit na high school sa isang city up north, nakakara­ting na si direk.

Ano naman kaya ang mangyayari sa mga mare-recruit niya?

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with