Lorna

Lorna kabubuwisitan sa pagiging strategist!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 16, 2018 - 12:00am

Nakaka-tense ang pilot episode kahapon ng Asintado na starring si Lorna Tolentino dahil punum-puno ng aksyon at makapanindig-balahibo ang mga eksena ng bagong afternoon drama series ng ABS CBN.

Parang isang big-budgeted action movie ang mga eksena ang sey ng mga nag-abang at nanood sa pilot telecast ng Asintado dahil sa mga blasting at chase scene.

Isang magaling na political strategist ang karakter ni LT sa Asintado pero may pagka-kontrabida ang role niya kaya malamang na marami ang maimbyerna sa kanya.

Tungkol sa maruming mundo ng pulitika at pagiging gahaman sa kapangyarihan ng mga pulitiko ang kuwento ng Asintado.

I’m sure, makaka-relate sa story ng A­sintado ang mga politician na kiyeme-kiyemeng nagmamalasakit sa bayan pero ang totoo, nagpapayaman sa puwesto.

As expected, effective si LT sa kanyang role sa Asintado na hindi nalalayo kay Red Butterfly, ang karakter niya sa Kay Tagal Kang Hinintay, ang teleserye ng Kapamilya Network noong 2002 hanggang 2003.

Mikee sumubok sa lahat ng klase ng diet

Hindi na puwedeng tuksuhin na masyuba si Mikee Quintos dahil nabawasan na ang timbang niya nang umapir siya sa presscon ng Sirkus.

Seryoso si Mikee na magpapayat dahil marami ang nagsasabi na mataba siya.

Sinusubukan ni Mikee ang maraming klase ng diet at mukhang nagtatagumpay naman siya.

Ang Sirkus ang bagong show ni Mikee sa GMA 7 na mapapanood tuwing Linggo. Napansin si Mikee dahil sa role niya sa Encantadia kaya ipinagkatiwala sa kanya ang lead role sa bagong telefantasya ng Kapuso Network.

May kakambal si Mikee sa Sirkus at ginagampanan ito ni Mikoy Morales na mal igayang-maligaya dahil binigyan siya ng GMA 7 ng bonggang role.

Puro mga supporting role ang ginagampanan ni Mikoy sa mga nakaraan na assignment niya sa GMA 7 kaya big deal sa kanya ang pagbibida sa Sirkus.

Si Mikoy ang madalas na kasama ni Mikee sa mga eksena ng Sirkus bilang kambal nga sila pero nali-link ang dalaga kay Andre Paras.

Binibigyan ng malisya ang closeness at sweetness nina Mikee at Andre na compatible sa isa’t isa dahil pareho sila na masayahin at mapagbiro.

Wala tayong nababalitaan na may girlfriend si Andre at hiwalay na si Mikee sa boyfriend nito kaya may mga naniniwala na nagkakamabutihan ang da­lawa at puwedeng humantong sa relasyon ang friendship nila dahil regular ang kanilang pagkikita sa set ng Sirkus.

Francine natutong magnegosyo sa mister

Rejoicing ang cast ng Haplos dahil extended uli ang afternoon teleserye nila sa GMA 7.

Masayang-masaya sina Sanya Lopez, Rocco Nacino at Thea Tolentino dahil hindi nila inaasahan na magkakaroon uli ng extension ang kanilang programa.

Pinakamasaya sa lahat si Francine Prieto na maligayang-maligaya dahil maayos ang takbo ng kanyang career at nail spa, somewhere in Greenhills.

Good influence kay Francine ang kanyang American husband na si Frank Shotkoski na very supportive sa career ng misis niya. Si Frank ang nagbigay kay Francine ng idea para subukan nito na magtayo ng negosyo dahil knows niya na hindi stable career ang pagiging artista.

 

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with