Ryza nakarma na sa pakikiapid
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - January 3, 2018 - 12:00am

Nagpalakpakan na may kasamang sigawan ang aking mga kabalaysung (kasama sa bahay) na kasama kong nanood sa nakaraang episode ng Ika-6 na Utos ng GMA 7.

Tagisan ng talino sa akting ang mga magagaling na artista na sina Gabby Concepcion, Sunshine Dizon, Ryza Cenon, Carmen Soriano, at Mel Martinez sa said show na isa sa top rating show ng Kapuso network. Magaling din si Daria Ramirez at si Selma na bestfriend ni Geogia (Ryza) na nagto-tolerate sa mga kasamaan niya.

Anyway, masaya ang manonood sa nakaraang episode dahil akala nila, patay na si Ryza sa nangyaring pagsabog ng tangke ng gas sa isang lugar kung saan nakipagkita si Emma (Sunshine). Si Emma ang target ni Georgia pero baliktad ang nangyari, mabilis na nakalabas si Emma, naiwan si Georgia at siya ang nasabugan. Nagpalakpakan ang mga manonood, nagbunyi at nagdiwang dahil nakarma na raw si Georgia.

Sa bagay, ganun naman ang mga manonood kapag nadadala ng kanilang emosyon. Totoo naman din kasi na ang mga napapanood natin sa telebisyon ay larawan ng buhay.

Palakpakan! Yehey! Ganern!

Arnold parang may future…

Nakakabilib din itong isang talent ng backroom ni Kuya Boy Abunda, the famous and talent manager and of course, isa sa mga tinitingalang TV personality.

Ang tinutukoy namin na taga-backroom ay si Arnold Reyes. May K din siyang sumikat dahil marunong siyang umakting, sumayaw, kumanta, hindi man super pogi, pero may dating at malakas ang appeal.

Bagets na may angelic voice, may concert!

Knows ng karamihan sa showbiz ang Merick Films, na maraming inilabas na dekalidad na mga pelikula noong 60’s at maraming pinasikat na artista gaya ni Lito Lapid na naging politician na ngayon ay aktibo na rin sa TV, at ni Beth Bautista na naging Best Actress ng Gawad URIAN.

Ang producer ng Merick Films ay si Jesse Chua. Matagal nang nag-laylow si Jesse sa pagpo-produce at naging abala siya sa ibang negosyo with the Lord God Jesus, bilang music ministry sa isang subdivision sa Pasig Rizal.

Pero nami-miss niya ang buhay showbiz, at dahil involve siya ngayon sa music industry, susubukan niya ang isang concert ng mga kabataan na may future sa larangan ng pagkanta.

Sa January 6, 8:00pm mga young, cute, with angelic voice ang magtatanghal sa Music Museum, entitled Young Heart, mapapanood sina Chad Angeles, Brandon Chan, Janina Gonzalez, Monica Lacambra, Patrick Alvarez, Livania Gonzalez, at Eden Dumlao.

Promise, mag-e-enjoy kayo, kaya pumunta na kayo sa Music Museum. Napanood ko kasi ang rehearsal at sobrang napahanga nila ako. Noong una, nakataas ang kilay ko, pero nung marinig ko na ang boses at napanood ko ang performance sa ensayo, ibinaba ko na ang kilay ko, sa isip ko, aba may K naman pala!

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with