John Lloyd naglabas ng galit sa pagsalubong sa bagong taon!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 3, 2018 - 12:00am

Humugot din ng post si John Lloyd Cruz sa unang araw ng taon. Caption niya sa kanyang short video ng fireworks last Jan. 1, “f@ck you 2017 you didn’t break me. Salamat”.

Siyempre, hindi natin alam kung ano ang emosyon ni Lloydie habang pino-post ito – kung galit ba siya, masama ang loob, bitter, o just really thankful.

Hindi naman kaila sa lahat na medyo hindi naging maganda ang pinagdaanan ni Lloydie last year kung saan ay katakut-takot na intriga at pangba-bash ang naranasan niya matapos ma-link kay Ellen Adarna.

Pinakamatinding intriga ay ‘yung mga controversial videos niya na nag-viral na kuha habang nagbabakasyon sila ni Ellen sa Bantayan Island sa Cebu noong September.

Kasunod nga nito ay ang pa­maaalam niya pansamantala sa showbiz. At pagkatapos naman nito ay ang balitang buntis si Ellen at diumano’y siya ang ama.

Sa ngayon ay hindi malinaw kung nasaan sina Ellen at Lloydie ngayon pero base sa mga IG posts nila, mukhang masaya naman sila together.

Wala pa ring kumpirmasyon kung totoo bang nagdadalangtao si Ellen.

Pero sa totoo lang, marami na ang nakaka-miss kay Lloydie at nagwi-wish na sana’y bumalik na siya sa showbiz ngayong 2018.

Siargao at Deadma Walking patuloy ang isyu

Among the eight entries of Metro Manila Film Festival 2017, dalawang pelikula ang mainit na pinag-uusapan sa social media for their merits and human interest values – Siargao and Deadma Walking.

Magaganda ang reviews sa mga nasabing pelikula mula sa mga kasamahan sa hanapbuhay at pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon ang hindi pagkapapanalo ni Joross Gamboa bilang Best Actor para sa Deadma Walking.

Sa Siargao naman ay pinag-uusapan ang magan­dang cinematography nito although may mga intriga ring naglalabasan about the film at isa rin ito sa dahilan kung bakit kontrobersyal ang pelikulang pinagbibidahan nina Jericho Rosales and Erich Gonzales.

Hindi pa namin parehong napapanood ang dalawang pelikula kaya naku-curious kami sa mga reviews kaya balak naming panoorin total naman ay hanggang January 7 pa ang showing ng mga entries.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with