Sinu-sino ang Pinay beauties na sinuwerte at luhaan sa magbababung taon!

May dalang suwerte ang taong 2017 sa ating mga beauty queen. Ilan sa mga naging representative ng bansa ang nakasungkit ng korona mula sa ilang international beauty pageants.

May ilan naman na naging runners-up at finalists. Samantalang meron namang hindi nadapuan ng suwerte at mabilis na naging “thank you girl”.

Kabilang sa mga nadapuan ng suwerte sa beauty pageants ay ang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez na si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez na naging kauna-unahang Pinay na nanalo ng titulong Reina Hispanoamericana na ginanap sa bansang Bolivia noong November 4.

First time rin sumali ng Pilipinas sa naturang pageant na dominated ng Hispanic beauties. Sa Q&A portion nagpakitang gilas si Winwyn kahit na hindi siya sumagot in Spanish na siyang lengguwahe ng mga nakalaban niyang candidates.

Napanalunan naman ng Pilipinas ang ikaapat na Miss Earth title at ang naging representative ay si Karen Ibasco noong nakaraang November 4. In less than 24 hours, dalawang beauty titles ang napanalunan ng Pilipinas.

Isang medical physicist si Karen at naging early favorite siya ng competition. Napanalunan niya ang National Costume-Asia Pacific, Darling of the Press, Best in Long Gown and Resorts Wear.

Si Jannie Loudette Alipo-on naman na dating co-host ng programang Wowowin ang nag-represent ng Pilipinas at kinorohan bilang ikaapat na Miss Tourism International mula sa Pilipinas. Ginanap ang pageant sa Malaysia at isang certified kontesera si Jannie na sinalihan na ang lahat ng local beauty pageants bago nanalo sa Mutya Ng Pilipinas na siyang nagpadala sa kanya sa Miss Tourism International.

Naging runners-up naman ang Philippine representatives na sina Elizabeth Clenci at Nelda Ibe.

Second runner-up sa Miss Grand International si Clenci sa Vietnam at first runner-up naman si Iba sa Miss Globe na ginanap sa Albania.

Si Rachel Peters ay umabot lamant sa Top 10 ng Miss Universe.

Pumasok naman sa Top 40 ng Miss World si Laura Lehmann.

Umabot din sa Top 10 ng Miss Supranational si Chanel Olive Thomas na nakuha ang Miss Friendship award.

Hindi rin sinuwerte ang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong na si Mariel de Leon na makapasok sa Top 15 ng Miss International.

Ang iba pang title na napanalunan ng Pinay ay Miss Asia Global 2017 Mary Eve Adeline Escoto; Miss Future Fashion Faces Asia 2017 Eve Janine Valdez; Miss Asian Global 2017 Trisha Bantigue; and Miss Asia Edmonton 2017 Eilleen Demchuk; Miss Progress International 2017 Jedaver Pancho Opingo; Miss Nature Intercontinental 2017 Sarah Bona; Miss Pacific World 2017 Beatrice Andrada; Miss Culture Heritage 2017 Rizza Paula Lacson; Miss Super Fotomodel Universe 2017 Thamara Alexandria Pacursa;  Miss Global Youth Ambassador 2017 Sahara Wagner; Miss Young of the World 2017 Simone Amorado; Miss Cultural World 2017 Kysha Lyn Guinto; Miss Plus Size International 2017 Michelle Eleonor Villegas; Miss Plus Size Top of the World 2017 Jodel Mesina.

Mark Anthony at Jinggoy pinakasuwerte sa mga nakulong

Kung may saya na dinala ang ating mga kandidata sa Miss Philippines, lungkot naman ang hatid sa pamilya ng mga celebrities na nakulong. Kabilang na rito ay ang aktor na si Mark Anthony Fernandez na nakulong noong 2017 dahil sa kasong marijuana possession and transportation of illegal drugs.

Nahuli ng pulisya ng Angeles, Pampanga ang 37-year-old actor na si Mark Anthony dahil sa dala-dala nitong isang kilo ng marijuana sa loob ng kanyang kotse.

Naharap ang anak nila Alma Moreno and the late Rudy Fernandez sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o hindi magandang asal sa checkpoints; at Sections 5 (possession), 11 (transporting), at 12 (testing positive) sa Article 2 ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 1992.

Non-bailable ang mga reklamong kinaharap ng aktor kaya siya nakulong. Naghain ng not guilty plea si Mark sa arraignment ng kaso laban sa kanya noong nakaraang December 12.

Noong nakaraang December 22, nakalabas na ng kulu­ngan ang aktor matapos ma-dismiss ang kaso niyang transportation of illegal drugs.

Noong 2014 naman sabay ikinulong ang Titanic Action Star na si Bong Revilla, Jr. at Jinggoy Estrada.

Kasong plunder and graft kaugnay ng bilyong-pisong pork barrel scam ang naging kaso nila.

Mula noon, nakapiit na sina Bong at Jinggoy sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pinaboran ng korte ang bail petition ni Bong.

Si Jinggoy ay nakalabas pagkatapos magpiyansa ng P1.33 million.

Sa resolusyon ng Sandiganbayan Special 5th Division, sinabi ritong walang matibay na ebidensiya na si Jinggoy ay siyang “main plunderer” ng pork barrel scam.

Napagbigyan naman si Bong ng Christmas furlough ng korte sa loob ng sampung oras noong nakaraang December 24 upang makapi­ling nito ang kanyang pamilya.

2014 din noong mahatulan ng guilty ng Pasig City Regional Trial Court ang aktor na si Dennis Roldan dahil sa kasong kidnapping ng isang Filipino-Chinese boy noong 2005.

Kasama sa sentensiya ni Dennis ang reclusion perpetua o pagkakakulong ng 30 taon, multang P100,000 para sa civil indemnity, P100,000 para sa moral damages, at P100,000 para sa exemplary damages sa pamilya ng biktima.

Kasalukuyang nakakulong sa National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City ang ama ng volleyball player na si Michelle Gumabao at aktor na si Marco Gumabao.

Noong 2016 naman inaresto ang former sexy actress na si Sabrina M sa isang buy-bust operation sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City. Nahulihan si Sabrina ng shabu na may halagang P6,000. 

Nahaharap ang 37-year-old former sexy star sa mga reklamong may kaugnayan sa R.A. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

October 2016 naman maaresto ang starlet na si Krista Miller sa isang buy-bust operation. Sa buy-bust operation ng Quezon City Police District, nahulihan si Krista ng shabu na nagkakahalaga ng P3,000 nang maaktuhan siyang nagbenta sa isang police na nagpanggap na buyer.

Si Krista ay rumored mistress diumano ng aktor na si Cesar Montano na naging dahilan ng hiwalayan nila ni Sunshine Cruz noon.

August 2016 nang mahuli ng pulisya dahil sa ilegal na droga ang radio DJ na si Karen Bordador sa isinagawang buy-bust operation sa condo unit ng boyfriend nitong si Emilio Lim. Nahulihan sila ng P2.8 million halaga ng marijuana at iba’t ibang flavors ng ecstacy.

Kabilang na rito ang akusasyong supplier ng party drugs si Lim sa ilang bars sa Makati City at Bonifacio Global City sa Taguig.

Show comments